Ipagdasal na manaig ang katotohanan sa pagkamatay ng student athlete na si Baterbonia, apela ni Bishop Labajo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,493 total reads

Nanawagan si Prosperidad Bishop Ruben Labajo sa mga mananampalataya na ipagdasal na manaig ang katotohanan habang nagpapatuloy ang pagdadalamhati at paghahanap ng mga kasagutan kaugnay ng pagpanaw ng student-athlete na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia.

Sa kanyang homiliya sa wake Mass para sa yumaong atleta noong June 22 sa Talacogon Municipal Gymnasium sa Agusan del Sur, kinilala ng obispo ang matinding dalamhati hindi lamang ng pamilya kundi maging ng buong komunidad na nakasaksi sa mga pangarap at tagumpay ni Baterbonia bilang isa sa mga inspirasyon ng kabataan sa lalawigan.

Ayon kay Bishop Labajo, bagama’t mahirap tanggapin ang biglaang pagkawala ng isang kabataang puno ng pangarap at potensyal, mahalagang manatiling nakatuon ang lahat sa Diyos sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birheng Maria habang patuloy na hinahangad ang katotohanan.

“Walay laing makahupay kanato kundi ang Diyos, way masulbad tungod sa atoang kapungot sa atong kayugot. Atong iampo nga unsay may kamatuoran mopatigbabaw gyud ug mahibaw-an sa tanan. Padayon ta mangayo ug mangita sa kamatuoran uban ang pag-ampo,” pahayag ni Bishop Labajo.

Ayon sa obispo, walang ibang makapagpapayapa sa tao kundi ang Diyos at walang malulutas kung paiiralin lamang ang galit at poot.

Hinikayat din nito ang mga mananampalataya na ipanalangin na manaig ang katotohanan at magpatuloy sa paghahanap nito sa pamamagitan ng panalangin.

Binigyang-diin ni Bishop Labajo na ang pagdadalamhati ay hindi dapat humantong sa pagkakahati-hati kundi magsilbing pagkakataon upang magkaisa sa paghahangad na lumitaw ang buong katotohanan.
“Kun itugot niya nga namatay si Bobet, ang Diyos maoy mas nasayod unsay makaayo sa iyang kinabuhi. Dili ta makasabot sa pagkakaron apan atong timan-an ug tuohan nga ang Diyos nahigugma kanato,” ani ng obispo.
[Kung ipinahihintulot ng Diyos ang pagpanaw ni Bobet, mas alam ng Diyos kung ano ang makabubuti para sa kanyang buhay. Maaaring hindi natin ito maunawaan sa ngayon, ngunit dapat nating tandaan na mahal tayo ng Diyos.]

Ipinaalala rin ni Bishop Labajo na ang buhay ay may hangganan at walang sinuman ang ganap na may kontrol dito kundi ang Diyos lamang.
Sa kanyang pagninilay, ginamit ng obispo ang larong basketball bilang larawan ng buhay at kamatayan.
“Mao kana ang leksyon sa kinabuhi: dili ang pagsugod ang importante, kundili ang katapusan,” giit ng obispo.

Kinilala rin nito ang malaking impluwensya ni Baterbonia sa maraming kabataan sa Agusan del Sur.
“Si Bobet nahimong inspirasyon dili lamang sa iyang pamilya apan sa daghang kabatan-onan,” ayon kay Bishop Labajo.

Dagdag pa ng obispo, “His life was never just about fame and the points he scored. It was about the lives he touched.”

Patuloy namang hinihikayat ng Diocese of Prosperidad ang mga mananampalataya na samahan ng panalangin ang pamilyang Baterbonia at manatiling nagkakaisa habang hinihintay ang paglilinaw sa mga pangyayari kaugnay ng insidente.

Sa kabila ng maagang pagtatapos ng kanyang buhay, sinabi ni Bishop Labajo na mananatiling buhay ang pamana ni Baterbonia sa mga kabataang kanyang nabigyang-inspirasyon na mangarap, magsikap, at magtiwala sa Diyos.

Matatandaang nasawi sina Baterbonia at kapwa student-athlete na si Divine Adili sa isang team-building activity ng Ateneo de Manila University men’s basketball team sa Dipaculao, Aurora noong June 8.

Kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang buong pangyayari at pananagutan kaugnay ng pagkamatay ng dalawang atleta.

Nagbitiw na rin sina ADMU head coach Tab Baldwin at team manager Christopher Quimpo kaugnay ng insidente. Samantala, tiniyak ng pamunuan ng unibersidad ang suporta sa mga naiwang pamilya at ang pakikipagtulungan nito sa nagpapatuloy na imbestigasyon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 17,851 total reads

 17,851 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 103,256 total reads

 103,256 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 167,099 total reads

 167,099 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 255,183 total reads

 255,183 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 337,356 total reads

 337,356 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top