Pagtatanggol sa kalikasan, hindi isang krimen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,731 total reads

Iginiit ng Franciscan Province of San Pedro Bautista–Philippines na hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan at mga pamayanang apektado ng mga proyektong may banta sa kapaligiran.

Ito ang binigyang-diin ni OFM Minister Provincial Fr. Lino Gregorio Redoblado bilang pakikiisa kay Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao at iba pang tagapagtanggol ng kalikasan na nahaharap sa kasong sibil kaugnay ng kanilang pagtutol sa mga aktibidad ng pagmimina sa Nueva Vizcaya at Quirino.

Ayon kay Fr. Redoblado, hindi dapat manahimik ang Simbahan kapag ang mga nagtataas ng mga usaping moral, ekolohikal, at makatao ay nahaharap sa mga hakbang na maaaring magdulot ng pananakot o pagpapatahimik.

“The protection of our common home and the defense of affected communities should never be treated as acts deserving of punishment or intimidation,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Binanggit din ng mga Franciscano ang pangambang ang isinampang kaso ay nagtataglay ng mga katangian ng Strategic Lawsuit Against Public Participation o SLAPP, na maaaring makapigil sa mga mamamayan at tagapagtanggol ng kalikasan na makilahok sa mga usaping may kinalaman sa kapaligiran.

Binigyang-pugay rin ng kongregasyon ang matagal nang paninindigan ni Bishop Mangalinao kasama ang mga katutubo, magsasaka, at lokal na komunidad sa pangangalaga sa mga watershed, ecosystem, at ancestral domains.

Binigyang-diin ni Fr. Redoblado na ang pangangalaga sa sangnilikha ay mahalagang pagpapahayag ng pananampalataya at isang pananagutang hindi maaaring talikuran ng mga Kristiyano.

“To protect forests, rivers, watersheds, mountains, and the communities that depend upon them is to protect life itself,” ayon kay Fr. Redoblado.

Nanawagan din ang mga Franciscano sa pamahalaan na unahin ang kabutihang panlahat, tiyaking mananatiling prayoridad ang pangangalaga sa kalikasan, at protektahan ang karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang mga lehitimong pangamba hinggil sa kapaligiran.

“We affirm that the defense of our common home is not a crime but a moral responsibility, a civic duty, and a sacred obligation before God,” saad ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 111,672 total reads

 111,672 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 145,002 total reads

 145,002 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 177,146 total reads

 177,146 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 243,208 total reads

 243,208 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 255,313 total reads

 255,313 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,145 total reads

 122,145 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top