Kabataan, Parokya, paaralan at youth organization, inaanyayahang makibahagi sa WYD 2027

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,885 total reads

Inaanyayahan ng Archdiocesan Commission on Youth (ACY) ng Archdiocese of Manila ang mga kabataan, parokya, paaralan, at iba pang youth organizations na makibahagi sa ika-41 World Youth Day (WYD) na gaganapin sa Seoul, South Korea mula August 3 hanggang 9, 2027.

Ayon kay ACY Minister Fr. Marthy Marcelo, binigyang-diin nito na ang World Youth Day ay higit pa sa isang pandaigdigang pagtitipon ng mga kabataan sapagkat ito rin ay paraan ng pakikipagtagpo kay Hesus sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga delegado.

“World Youth Day is far more than an international gathering. It is a powerful encounter with the living Christ, a pilgrimage that brings together millions of young people from every nation, culture, and language to celebrate the beauty of our Catholic faith and the vitality of the Church,” ayon kay Fr. Marcelo.

Paliwanag ng pari na nagsisilbing pagkakataon ang WYD upang maranasan ng mga kabataan ang pagiging bahagi ng pandaigdigang Simbahan at higit na mapalalim ang kanilang pananampalataya.

“It is a moment when young people realize that they are not alone in their faith journey but are part of a vibrant and universal Church united in Christ,” aniya.
Binigyang-diin din ng ACY na sa paglipas ng panahon ay nakapagbigay ang World Youth Day ng inspirasyon sa maraming kabataan upang tahakin ang bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso, mapalalim ang pananampalataya, at maging mga lider na naglilingkod sa Simbahan at sa lipunan.

Bubuksan ng ACY ang pre-registration para sa mga nagnanais na lumahok sa opisyal na delegasyon ng arkidiyosesis mula June 25 hanggang July 31, 2026.
Sinabi ni Fr. Marcelo na ang proseso ng aplikasyon ay sasailalim sa panayam at masusing pag-aaral upang matiyak ang aktibong pakikilahok ng mga kandidato sa kanilang mga parokya, paaralan, bikaryato, at iba pang gawaing pangkabataan.

“Through this process, we hope to form a delegation that will faithfully represent the Archdiocese of Manila and serve as ambassadors of our local Church to the world,” ani Fr. Marcelo.

Bukod sa mismong World Youth Day, hinihikayat din ng ACY ang mga delegado na lumahok sa buong programa, kabilang ang “Days in the Dioceses” mula July 29 hanggang August 2, 2027, at “Days of Repose” mula August 10 hanggang August 12, 2027.

Ibinahagi ng pari na ang “Days in the Dioceses” ay magbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang peregrino na makisalamuha sa mga lokal na komunidad sa Korea, makibahagi sa pagpapalitan ng kultura, at masaksihan ang yaman at pagkakaiba-iba ng pandaigdigang Simbahan.

Sinabi rin ng ACY ang dalawang pilgrimage package na inihanda para sa mga kalahok, subalit mariing hinihikayat ng komisyon ang pagpili sa buong World Youth Day Experience upang lubos na maranasan ang paglalakbay ng pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na diyosesis.

Hinimok ni Fr. Marcelo ang mga pari, mga tagapagturo, at mga lider ng Simbahan na suportahan ang pakikilahok ng mga kabataan sa pandaigdigang pagtitipon.
“Your support and encouragement can help a young person encounter Christ in a profound way, discover his or her vocation, and embrace a deeper commitment to the mission of the Church,” ani Fr. Marcelo.

Ang tema ng World Youth Day Seoul 2027 ay hango sa Ebanghelyo ni San Juan 16:33: “Take courage! I have overcome the world.” Ito ang magiging unang World Youth Day sa South Korea at inaasahang dadaluhan ito ng milyun-milyong kabataang Katoliko mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 112,564 total reads

 112,564 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 145,894 total reads

 145,894 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 178,038 total reads

 178,038 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 244,100 total reads

 244,100 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 256,136 total reads

 256,136 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top