Laban ni Bishop Mangalinao, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,475 total views

Nakikiisa ang social justice at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Diyosesis ng Bayombong at mamamayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya sa gitna ng patuloy na pagtutol sa mga operasyon ng pagmimina sa lugar.

Binigyang-diin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at pangulo ng Caritas Philippines, na kaisa ng Simbahan ang mga katutubo, magsasaka at pamilyang umaasa sa kabundukan, kagubatan, ilog at watershed ng lalawigan.

Ayon sa obispo, hindi pulitika ang ugat ng kanilang pakikiisa kundi ang misyon ng Simbahan na samahan ang mga komunidad na madalas hindi naririnig sa mga usaping may kinalaman sa lupa, tubig at likas na yaman.

“The Church stands with these communities because they bear the greatest risks when watersheds are degraded, rivers are polluted, forests are diminished, and ancestral domains are threatened. When the environment is harmed, it is often the poor who suffer first and suffer most. The cry of the poor and the cry of the earth are inseparable,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang usapin sa Kasibu ay hindi lamang tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran kundi maging sa dignidad ng tao, seguridad sa pagkain, karapatan ng mga katutubo at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Ipinagtanggol ng opisyal ng CBCP si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, na aniya’y ginagampanan lamang ang pastoral na tungkulin ng Simbahan sa pagsama sa mga komunidad na nangangamba sa posibleng epekto ng pagmimina sa kanilang kapaligiran, kabuhayan, at mga lupaing ninuno.

Iginiit ng obispo na hindi dapat ikatakot ng mga mamamayan ang pagpapahayag ng kanilang mga lehitimong alalahanin kaugnay ng mga proyektong nakaaapekto sa kanilang kapaligiran at kinabukasan.

“The Church cannot remain neutral when the welfare of communities, the integrity of creation, and the future of coming generations are at stake. To accompany those who seek to protect life, land, water, and dignity is not a political choice. It is a Gospel imperative,” giit ni Bishop Alminaza.

Muli namang tiniyak ng Caritas Philippines at ng CBCP-ECSAJP ang suporta kay Bishop Mangalinao at sa mga komunidad ng Kasibu na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at mga lupaing ninuno sa pamamagitan ng mapayapa at legal na pamamaraan.

“We stand with the people of Kasibu. We stand with Bishop Jose Elmer Mangalinao. And we renew our commitment to care for our common home and to uphold the dignity of every person entrusted to our care,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,817 total views

 9,817 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,168 total views

 38,168 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,898 total views

 105,898 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,049 total views

 129,049 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,538 total views

 198,538 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top