372 total views
Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.
Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya.
“I still have to talk about when and where the bestowal of the insignia be with the Nuncio who is now in Tarlac. I was able to inform Msgr (Julien) Kabore about the cancelation,” pahayag ni Cardinal Advincula.
Unang itinakda sa June 8 ang bestowal ng red hat at singsing ng Cardinal makaraang sumailalim sa 14 day mandatory quarantine si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown nang makabalik sa bansa mula New York City.
Sa kasalukuyang tala ng Capiz Provincial Health Office umabot na sa mahigit tatlong libo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Nasa 21-libo naman ang nabakunahan laban sa virus kabilang na si Cardinal Advincula o katumbas sa apat na porsyento sa kabuuang target na mahigit kalahating milyong mamamayan sa lalawigan.
Itinakda ang installation ni Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila sa ika-24 ng Hunyo 2021.