Pagkakaisa, dalangin ng Simbahan ngayong 2020

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 792 total views

Umaasa ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Dumaguete na magbunga ng panibagong pag-asa, pag-ibig at kasiyahan sa bawat mamamayan ang bagong taon sa tulong at gabay ng liwanag ng Panginoong Hesukristo.

Ipinagdarasal ni Bishop Julito Cortes na makamit ng sambayanang Filipino ang pagkakaisa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at pagsasantabi sa mga personal na interes.

“May this new year, bring us greater hope that in our community especially in our country; unity and not division may reign,” pahayag ni Bishop Cortes.

Dalangin din ng Obispo ang pagkakaunawaan ng bawat isa upang maiwasan ang karahasan at magkaisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at maging sa mga pamilyang naiipit sa laban ng mga rebeldeng grupo at Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“Understanding and not violence shall reign and may we be filled with love that both you and I may always be move with compassion,”panalangin ng Obispo

Hangad din ni Bishop Cortes sa bawat isa na maging tagapaghatid ng Mabuting Balita ng Panginoon sa kapwa na magdulot ng kasiyahan at makatulong na mapalakas ang kalooban ng mga nanghihina ang pananalig sa Diyos.

Umaasa ang Obispo na matigil na ang hindi pagkakaunawaan sa pamayanan sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng bawat panig.

“We pray that we find peaceful resolution to our political and spiritual differences through a culture of dialogue,” saad ni Bishop Cortes.

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas ang Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People, ang ikawalong paksa sa siyam na taong paghahanda sa pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa na ipagdiriwang sa 2021.

Tema ngayong taon ang ‘Dialogue Towards Harmony’ tungo sa pagkakasundo-sundo sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya bilang si Hesus ay isinilang para sa kapayapaan at pagbubuklod buklod ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 62,497 total views

 62,497 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 84,607 total views

 84,607 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 160,345 total views

 160,345 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 159,787 total views

 159,787 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top