Pagkakaisa at pagtutulungan, apela ng Simbahan matapos ang madugong pagbobomba sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 335 total views

Nagpaabot ang mga Obispo ng Simbahang Katolika ng pakikiisa sa panahon ng kalungkutan at pagluluksa ng pamilya ng mga nasawi sa madugong pagsabog sa Davao City na ikinasawi ng 14-katao at ikinasugat ng 68-iba pa.

Inihayag ni dating CBCP President Cebu Archbishop Jose Palma ang kalungkutan sa nangyaring trahedya.

Hinimok naman ni Archbishop Palma ang lahat na sikaping magbago hindi sa pamamagitan ng paggawa ng karahasan kundi sa pamamaraang pagtutulungan at pagmamahal sa kapwa.

“Napaka-malungkot yung nangyari na bombing sa Davao. Sa mga pamilya ng mga nasawi ay yung aming pakikiisa sa panahon ng luksa at mga kalungkutan. Ito ay panahon ng ating malaking luksa at sana nga po bigyan tayo ng lakas na ma-face ang reality of death. Sana nga po sa mga kapatid din natin na gumawa nito, alam po natin na kahit anong anggulo tingnan hindi talaga tama. Sana hindi na maulit yung ganitong pangyayari sa ating lahat, lahat po tayo na mga Filipino. Lahat po tayo sana ipakita natin na kaya din natin yung pagbabago hindi sa ganitong pamamaraan pero sa ating pagsisikap at sa ating pagtutulungan sa kapwa,” mensahe ni Archbishop Palma.

Sa kabila ng trahedya, hinimok ni Basilan Bishop Martin Jumoad ang lahat ng Pilipino na patuloy na magkaisa at sama-samang pagsikapan na maabot ang hinahangad na kapayapaan sa bansa.

“I am really in pain of what happened in Davao, I pray for all the victims particularly those who died, May their soul rest in peace. We continue to work together collaborate, because it is only in working together that we can attain our goal of peace in our country, God Bless,” pahayag ni Bishop Jumoad sa Radio Veritas.

Ipinagdarasal naman ni Iligan Bishop Elenito Galido sa panginoon na maghari ang kapayapaan at katarungan sa madugong pagpapasabog.

Ipinaabot din ni Bishop Galido ang pakikidalamhati sa nararanasang pain at suffering ng mga kaanak ng mga nasawi sa trahdeya.

“Nakikiramay kami dun sa mga nasawi at para sa mga taong nasa hospital ngayon, we are one in their pain and suffering. We pray for peace and justice na sana maresolba yung bombing na nangyari”, mensahe ni Bishop Galido.

Umaasa si Bishop Galido na madakip at maiharap sa korte ang nasa likod ng pagpapasabog.

“Lalo na yung sa peace and order ay talagang ma-address. Yung mga gumawa noon(bombing) kailangan madala sa korte,” pahayag ng Obispo.

Hinimok naman ni Bishop Galido ang mga Filipino na huwag matakot lalo na sa mga ipinalabas na travel advisory ng iba’t-ibang embahada sa Mindanao.

“Ngayon ay may travel advisory para sa Mindanao, pero hindi kayo kailangang matakot kase naka-full alert ngayon at may mga checkpoints.

More safe here because of strict security measures na ipinapatupad in and out,” pahayag ni Bishop Galido.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,024 total views

 85,024 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,024 total views

 85,023 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,024 total views

 85,024 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 82,469 total views

 82,468 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 75,290 total views

 75,289 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 196,626 total views

 196,626 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top