Pagkakasundo ni PBBM at VP Duterte, nararapat nakatuon sa kabutihan ng lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,526 total views

Malugod na tinanggap ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas siyang makipagkasundo sa pamilya Duterte—sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang kampo.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive director ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, mabuti ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga pinuno ng bansa, ngunit dapat itong nakatuon sa kabutihang panlahat.

Unity and reconciliation are always good for our country,” ayon sa pahayag ni Fr. Secillano.

Giit ng pari, kung handa ang Pangulo na makipagkasundo, dapat itong isaalang-alang din ng kampo ng mga Duterte para sa kapakanan ng buong bansa at ng mga Pilipino.

“The desire, though, should be motivated by the common good. If the President is offering them to the Duterte’s, the latter’s camp should consider it if only for the good and benefit of our country and the Filipinos,” dagdag pa ng pari.

Matatandaang nagsimula ang hidwaan ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa noong Enero 2024.

Sa kasalukuyan si Vice President Sara Duterte ay inaasahang haharap sa impeachment trial sa Senado sa akusasyon na may kinalaman sa sinasabing paglabag sa saligang batas at iba pang mga alegasyon ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Makailang ulit na namang itinanggi ng Pangulong Marcos na hindi niya sinusuportahan ang impeachment laban sa dating kaalyado sa pulitika.

Matapos ang halalan nitong 2025, nanalo ang karamihan sa mga kandidato Marcos camp habang ilang kaalyado ng mga Duterte ang hindi nagtagumpay.

Sa kabila nito, nagpahayag si Pangulong Marcos ng kahandaang makipag-usap at makipag-ayos para sa ikabubuti ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 25,068 total views

 25,068 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 46,049 total views

 46,049 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 68,477 total views

 68,477 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 241,714 total views

 241,714 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,533 total views

 217,533 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top