Pagkakasundo sa pamilyang Duterte, hangarin ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,757 total views

Muling ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan niya at ng pamilyang Duterte, sa kabila ng mga lumalalang tensyon sa pulitika.

Ayon sa Pangulo, mas nais niyang pairalin ang pagkakasundo kaysa alitan. Iginiit niya na wala siyang interes sa pagkakaroon ng dagdag na kaaway sa pulitika, at mas pinahahalagahan niya ang pagkakaroon ng mga kaalyado.

“Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan,” ayon sa pahayag ng Pangulo sa isang podcast interview.

Sa gitna ng mga isyu at hidwaan, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng katatagan at kapayapaan sa bansa. Ayon pa kay Pangulong Marcos, ang isang maayos na kapaligiran ang susi upang epektibong maipatupad ang mga plano at programa ng pamahalaan.

Sinabi rin niya na bukas siya sa anumang hakbangin para maibsan ang alitan sa pagitan ng magkakaibang panig sa pulitika.

Binigyan diin pa ni Marcos Jr. na handa siyang makipagtulungan kahit sa mga hindi niya kaalyado sa mga polisiya, basta’t maiwasan lamang ang gulo at pagkakawatak-watak.

“Hanggat maaari, ang habol ko ‘yung stability, peaceful, para magawa namin ang trabaho namin. Lagi akong bukas sa ganiyan. I’m always open to any approach,” ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Nanawagan siya sa lahat ng lider na pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng bansa, sa halip na magpatuloy sa bangayan. Aniya, kahit may pagkakaiba-iba sa paniniwala at pamamaraan, mas mainam na magtulungan para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 26,193 total views

 26,193 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 47,173 total views

 47,173 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 69,601 total views

 69,601 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 242,785 total views

 242,785 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 218,508 total views

 218,508 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top