Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkalinga sa mga batang may kapansanan

SHARE THE TRUTH

 581 total views

Mga Kapanalig, kamakailan ay naglabas ng magandang balita ang PhilHealth tungkol sa pagbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan o benefit package para sa mga batang may kapansanan, bilang bahagi ng Expanded National Program for Disabled Persons ng Department of Health.
May tinatayang dalawang milyong batang Pilipino ang may kapansanan, mga may limitasyon sa pandinig, paningin, pag-iisip, pagkilos, at iba pang developmental impairments. Hindi po lingid sa ating kaalamang ang mga taong may kapansanan, lalung-lalo na ang mga bata, ay nakararanas ng hamon at hirap araw-araw. Marami sa kanila ay hindi nairehistro noong sila ay isinilang, dahilan upang maging limitado ang kanilang pagkamit at pakikinabang sa proteksyong panligal at mga mahahalagang serbisyo katulad ng edukasyon at kalusugan. Marami rin sa kanila ay biktima ng diskriminasyon, karahasan, at pang-aabuso sa kanilang pamayanan, paaralan, at sa mismong tahanan nila. Hindi rin sila nakalalahok o naisasama sa iba’t ibang mga gawaing makatutulong sana sa kanilang maayos na paglaki. At dahil ang mga batas katulad ng Accessibility Law ay hindi ganap na naipatutupad, hiráp din silang kumilos sa kani-kanilang lugar. Ang lahat ng ito ay nagbubunga ng pagsasaisantabi sa kanila sa lipunan.
Kaya nga’t magandang balita ang sinabi ng PhilHealth na magkakaroon na ng benefit package ang mga batang may kapansanan. Alinsunod rin ito sa mga probisyon ng Magna Carta for Disabled Persons na isinabatas noon pang 1992. Sumusuporta rin ito sa mga nakasaad sa United Nations Convention on the Rights of Disabled Persons na niratipika ng Pilipinas noong 2008 at nagsasabing karapatan ng mga batang may kapansanan ang magkaroon ng pinakamahusay na kalusugan nang walang diskriminasyon sa kanilang kapansanan. Sa programang ito ng PhilHealth, kasama sa mga serbisyong matatanggap ng mga bata ay mga kagamitan na makatutulong ipanumbalik ang kanilang paningin at pandinig at rehabilitative therapy para sa mga may problema sa pagkilos o mobility.
Mga Kapanalig, isa sa batayang prinsipyo ng panlipunang katuruan ng Santa Iglesia ay ang pagkilala at paggalang sa ganap na dignidad ng tao. Kaakibat ng dignidad na ito ang pagkamit ng mga bagay na makatutulong sa pagyabong ng kaniyang buong sarili, gaya ng maayos na kalusugan. Ang karapatan sa kalusugan ay isa sa mga batayang karapatan upang makamit ng isang bata ang iba pa niyang karapatan. Kapag ang isang bata ay malusog, siya ay makapaglalaro, makapag-aaral, at makalalahok sa mga prosesong mahalaga sa kanyang pag-unlad.
At tayong bumubuo ng Simbahan ay may tungkuling makiisa sa pagtataguyuod ng kapakanan ng mga taong may kapansanan, lalo na ng mga bata. Bilang paghahanda sa Jubilee Day noong taong 2000, inilatag ng Committee for the Jubilee Day of the Community with Persons with Disability ang mga pananagutan ng mga pamayanan—sibil man o may kaugnayan sa Simbahan—sa mga taong may kapansanan. Sa dokumentong ito, isinasaad na isa sa mga tungkulin ng Simbahan—tayo po iyon, mga Kapanalig—ay ang pagbubuo ng positibong imahe ng mga taong may kapansanan. Iwasan na po natin ang pagturing sa kanila bilang mga tagatanggap lamang ng awa at habag. Ang pagkakawanggawa o charity, na isang mahalagang haligi ng buhay Kristiyano, ay kailangang maisabuhay nang ganap, at magagawa lamang ito kung ang kapwa nating may kapansanan ay itinuturing nating kasama sa isang relasyon ng pag-ibig, a “relationship of love”, ‘ika nga sa Ingles.
Kaya naman, mga Kapanalig, naway sa pamamagitan ng bagong benefit package ng PhilHealth ay mabura ang diskriminasyon sa mga batang may kapansanan at matutugunan ang kanilang pangangailangang medikal. Ipaalam po natin ito sa ating mga kakilalang may anak na may kapansanan.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 11,508 total views

 11,508 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 17,481 total views

 17,481 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 23,236 total views

 23,236 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 30,499 total views

 30,499 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 38,483 total views

 38,483 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 11,509 total views

 11,509 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 17,482 total views

 17,482 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 23,237 total views

 23,237 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 30,500 total views

 30,500 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 38,484 total views

 38,484 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,855 total views

 35,855 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,859 total views

 47,859 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,901 total views

 55,901 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,458 total views

 47,458 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,883 total views

 45,883 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,669 total views

 47,669 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,594 total views

 44,594 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,908 total views

 58,908 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,598 total views

 62,598 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,201 total views

 61,201 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top