239 total views
Pinuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang 54 na mga mambabatas na bumoto ng NO sa death penalty bill.
Ayon kay CBCP-ECMIP chairman Balanga Bishop Ruperto Santos, napatunayan ng 54 na congressmen na mas mahalaga sa kanila ang moral principle kaugnay sa buhay kapalit ng posisyon at material privileges sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Inihayag ng Obispo na ipinakita ng 54-na mambabatas na mayroon silang takot sa Diyos kumpara sa takot sa anumang partido.
“We in the CBCP ECMI are grateful for the NO vote of 54 legislators to death penalty. You are truly honorables. We admire your principle, your conviction and commitment to catholic teachings, especially about sanctity of life. It is not position or personal privilege which matters to you. You manifest your clear conscience and your fear of God, not to anyone nor losing perks.”pahayag ni Bishop Santos
Hinahangaan ni Bishop Santos ang paninindigan ng 54 na mambabatas at maituturing silang angles of life.
“As you said NO to death penalty, you are for us in CBCP ECMI are agents and angels of life. You honor and fear God whereas others fear losing chairmanships and material privileges. You stand up to our moral principle.”paliwanag ng Obispo
Kasabay nito, umaapela si Bishop Santos sa mga Senador na gayahin ang paninindigan sa buhay ng 54-na mambabatas at ibasura ang death penalty bill.
“We hope and pray that in the upper chamber it will not be politics of convenience but commitment to life, not political party of positions but a party of principles. We are proud of you, truly Filipinos defending Filipinos to live and have a life.”panawagan ng Obispo
Nauna rito, itinuturing ng Simbahan na kahiya-hiya ang ipinasang death penalty bill ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Read: http://www.veritas846.ph/ipinasang-death-penalty-bill-nakahihiya/