328 total views
Ito ang pangunahing isusulong ni incoming Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa kanyang pag-upo bilang bagong kalihim ng naturang kagawaran.
Pagbabahagi ni Mariano, ang pagsasaayos sa matagal ng hinaing ng mga benipisyaryong magsasaka ng lupang agraryo sa bansa ang pangunahing tutukan ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan sa ilalim ng kanyang pamumuno upang muling maibalik ang dangal ng mga magsasaka sa bansa na nananatiling pinaka-produktibong pwersa o sektor sa bansa.
“yun nga po kailangan po natin ng kung papaano talaga tunay at lubos na paiiralin yung hustisyang panlipunan lalo na sa kanayunan sa layunin po nating ma- rectify yung historical social injustice na matagal ng dinaras nung ating mga magsasaka na masasabi nating isa pa ring nananatiling pinakamalaking produktibong pwersa sa ating bansa..” pahayag ni Mariano sa panayam sa Radio Veritas.
Bukod dito, tiniyak rin ng bagong kalihim ang pagsisiyasat at imbentaryo sa Land Acquisition and Distribution Accomplishment ng DAR kung saan noong Disyembre taong 2015 ay tinatayang umaabot na sa 4.7-milyong ektaryang lupain ang naipamahagi sa tinatayang 2.7-milyong benipisyaryong magsasaka sa bansa.
“una po yung mabilisang imbentaryo ng Land Acquisition ang Distribution Accomplishment ng DAR, alam ko po naman ay may mga nakatipon ng datus dyan data base at titingnan po natin yung pinakahuling ulat po ng DAR na as of December 2015 ay meron na daw po mga 4.7-million hectares na naipamahagi na o nai-award na sa may tinatayang 2.7-million Agrarian Reform Benificiaries sa ating bansa..” dagdag pahayag ni Mariano.
Batay sa 2009 Official Poverty Statistics for the Basic Sector ng National Statistical Coordination Board, pumangalawa ang mga magsasaka sa may pinakamataas na poverty incidence sa bansa na nasa 36.7 percent.
Sa inilabas na Pastoral Statement ng Catholic Bishops’ Conference of the hilippines noong 2013, nanawagan ito sa pamahalaan na maging seryoso sa pagpapatupad ng mga reporma tulad ng CARPER upang mabigyan ng katarungan ang mga magsasaka.(Reyn Letran