Pagkasira ng ating mga Institusyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 573 total reads

Hindi ka ba nababahala sa pagkasira ng iba’t ibang institusyon ng ating bayan, kapanalig? Isa isang pinatutumba ang reputasyon at kredibilidad ng ating mga haligi. Sa halip na patatagin ang mga institusyon – mga pundasyon –  ng bayan, pilit itong sinisira at dinudumihan ng mga taong may hawak ng kapangyarihan sa bansa.

Unang sinira ang kredibilidad ng media, kapanalig. Binuwag ng nasa poder ang tiwala ng tao sa ating media sector, na hindi man perpekto, kapanalig, ngunit sandigan pa rin ng tao. Ang media sana, kapanalig, ang kasangga natin sa pagbubungkal sa katotohanan. Ngayon, hindi na natin alam kung ano ang totoo. Ngayon, lahat na lamang ay fake news.

Nabuwag na rin ang mga pamilya, lalo na mula sa maralita. Sa halip na patatagin ito at iahon sa kahirapan, ang maralita ay ginawang mga latak ng lipunan. Ang buhay nila ay nawalan ng halaga. Sa laban sa droga, sila ang unang namatay, sa hanay nila ang maraming naulila. Sa panahon ng pandemya, sila ang unang nadapa sa kahirapan. Ang mga drivers naging pulubi, ang mga vendors, kinukulong, ginugulpi.

Nawalan na rin ng tiwala ang maraming mga Filipino sa kapulisan. Kaliwa’t kanan ang batikos sa kanilang hanay sa ngayon. Noong nakaranang taon, halos 80% ng mga nasurvey ng SWS ang naniniwala na may ninja cops – mga pulis na nagre-recycle ng mga droga.



Ngayon, pati ang sektor ng edukasyon ay binabahiran na rin ang reputasyon. Inaakusahan ng AFP at ng iba pang nasa poder na ang UP ay sentro ng communist recruitment, pati na rin ang iba pang naglalakihang unibersidad gaya ng Ateneo, La Salle, UST at FEU. Sa panahon ng online learning, kung saan ang mga bata ay wala sa campus, saka pa nabansagan ang mga paaralang ito na communist hubs.

Ang ating lipunan, dahil sa hinayaan nating masira ang mga institusyon ng bayan, ay watak watak. Hindi tayo magkasundo, hindi tayo magkaintindihan. Ika nga – na divide na tayo, kapanalig, kaya napakadaling ma-conquer. Sa susunod na mga araw, kung tayo ay mananatiling marupok at hiwa-hiwalay, unti-unti ng mananakaw ang ating kalayaan at demokrasya. Malalagay sa peligro ang ating konstitusyon. Maaring mabalahaw pa ang darating na eleksyon.

Ang mga institusyon ng bayan, kapanalig, ay dangal ng ating bansa. Hindi ito dapat maging “political pawns,” mga bagay na dapat ipatumba o kontrolin upang may mga pinunong tuloy tuloy ang paghahari. Ang mga institusyon ng bayan ay ating depensa, sandigan, at  kaalyado. Sila ay tinatag para sa tao. Ayon nga sa Mater et Magistra, kung wala na ang mga institusyon ng bayan, “incurable disorder ensues.” Ayon pa sa Pacem in Terris: Human society can be neither well-ordered nor prosperous unless it has some people invested with legitimate authority to preserve its institutions and to devote themselves as far as is necessary to work and care for the good of all.

Sumainyo ang Katotohanan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,437 total reads

 17,437 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,036 total reads

 38,036 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,889 total reads

 107,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,257 total reads

 193,257 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 239,993 total reads

 239,993 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,865 total reads

 287,865 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,380 total reads

 386,380 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,890 total reads

 107,890 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,258 total reads

 193,258 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 239,994 total reads

 239,994 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,866 total reads

 287,866 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top