Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkiling sa Kapakanan ng mga Maralitang Mamimili

SHARE THE TRUTH

 248 total views

Sa nasyonal na lebel, ating ginugunita ngayon ang consumer welfare month. Ito ay pinangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang Consumer Welfare Month ay base sa Proclamation number 1098 of 1997. Tuwing Oktubre, nagiging mas matingkad ang atensyon na binibigay ng pamahalaan para sa bahagi o papel ng mga mamimili sa ekonomiya ng bansa.

Kapanalig, sa ating mundo na mabilis na nagiging digital at global ngayon, ang kapakanan ng mamimili ay dapat talagang mas mabigyan ng masusing atensyon. Kailangan, hindi lamang ang mamimili ang handa, ang pamahalaan  din ay dapat maging alerto sa maraming paraan na maaring madaya o madehado ang mga consumers.

Sa pag-gamit pa lamang mga cellphone ngayon, makikita natin na maraming mga paraan kung saan ang mamimili ay hindi napapangalagaan. Ang binili mong load, halimbawa, ay nakakaltasan ng hindi mo namamalayan. Ang mga apps sa cellphone ay nagdo-download na lamang ng mga updates na kumakain din ng data na binabayaran mo. Ang  mga transakyong ganito ay nangyayari sa background lamang, at hindi mo nalalaman na ang halaga o value ng pera na inilaan mo para sa pag-gamit ng telepono ay nahahati na pala at nababawasan.

Sa Internet naman, sandamak-mak ang reklamo ng mga  netizens ukol  sa bagal ng internet service, sa data caps, at sa  download speed sa ating bayan. Ang average download speed sa ating bansa ay 3.7mbps. Milya milya ang layo nito sa ating mga karatig bansa gaya ng Singapore, na global leader sa internet download speed. Nasa 133.1mbps ang bilis nila.  Ang Myanmar, isang war-torn country, nasa 5.1 mbps ang download speed, kapanalig.

Ang mga online at mobile transactions ay “new frontier” para sa maraming Pilipino. Marami sa atin ang nangangailangan ng ibayong tulong sa mga transaksyon kung saan hindi nakikita ang aktwal na palitan ng pera. Sa puntong ito, dapat mas kumikiling ang estado sa kapakanan ng mamamayan. Ang load ng isang consumer, para sa isang telco, ay barya lamang. Kapag mawala sa telco, halimbawa, ang isang P50 unli internet load ng isang mamayan,  hindi malaki ang epekto nito sa kabuuang kita. Ngunit para sa ordinaryong Pilipino, isang kilo na ito ng bigas na pinampalit lamang sa load para makabalita sa domestic helper niyang nanay sa Hongkong.  Ang ubusin ng telco ang load ng isang maralitang tulad nito dahil lamang sa bagal ng koneksyon ay pagnanakaw na rin ng pagkain ng isang pamilya sa isang araw. Pagnanakaw na rin ito ng panahon upang makasama, kahit sa internet man lamang, ang mga mahal sa buhay na nawala sa kanila.

Ang pagkiling sa karapatan ng maralitang mamimili ay hindi limos o charity. Ito ay ating obligasyon. Ito ay makatarungan. Ang Economic Justice for All ay may akmang pahayag na sana’y mag-udyok sa ating pamahalaan na kumilos pa ng mas mas mabilis at mas matapang para sa kapakanan ng maralitang mamimili: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,508 total views

 14,508 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,445 total views

 34,445 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,705 total views

 51,705 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,229 total views

 65,229 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,809 total views

 81,809 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,922 total views

 7,922 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

STATE AID o AYUDA

 14,509 total views

 14,509 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,446 total views

 34,446 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,706 total views

 51,706 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 65,230 total views

 65,230 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,810 total views

 81,810 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 119,540 total views

 119,540 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 118,525 total views

 118,525 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 131,178 total views

 131,178 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 125,293 total views

 125,293 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »
Scroll to Top