Simbahan sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Lawin, nakaalerto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 455 total reads

Abala na ang mga diyosesis sa mga lalawigan na posibleng tamaan ng bagyong Lawin at nakahanda na sa posibleng maging epekto ng nasabing kalamidad.

Sa Diocese ng Ilagan, Isabela, naka-monitor na ang Social Action center ng diocese sa mga coastal areas at mga munisipalidad na nasa hilagang bahagi ng lalawigan.

Sinabi ni Fr. Carlito Sarte, Social Action Director ng nasabing diyosesis na naka-alerto ang kanilang disaster response unit at patuloy din na nagdarasal para sa ikaliligtas ng lahat.

“We don’t have prepositioning of relief goods but I just put on standby our DSAC Disaster Response team and volunteers,”mensahe ni Fr. Sarte sa Damay kapanalig.

Sa Apostolic Vicariate of Tabuk sa Kalinga-Apayao, sinabi ni social Action Director Rev. Fr. Roman Macaiba na naiparating na nila sa lahat ng mga kaparian at parokya ang mga nararapat na paghahanda para sa bagyong Lawin.

Ganito rin ang ginawa ng Diocese of Bayombong sa Nueva Viscaya kung saan tiniyak ng Social Action Director nito na si Fr. Enrique Tiongson na naka-alerto ang Simbahan sa ano mang tulong na kanilang magagawa.

Nakataas na ang Storm Signal number 5 sa lalawigan ng Isabela at Cagayan dahil sa inaasahang pagtama ng Super Typhoon Lawin.

Ayon sa huling update ng philippine atmospheric geophysical and astronomical services administration o pagasa, umabot na sa 225 kilometro kada oras malapit sa gitna ang dalang hangin ng bagyong lawin kasabay ng pagbugso na aabot sa 315 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kada oras at inaasahang tatama sa kalupaan ngayong bago maghatinggabi o mamayang madaling araw. (Rowel Garcia)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,439 total reads

 11,439 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,662 total reads

 239,662 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,128 total reads

 133,128 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,157 total reads

 227,157 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,938 total reads

 270,938 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,637 total reads

 110,637 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top