Paglaganap ng child labor, pipigilan ng DOLE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,032 total views

Tiniyak ng Department of Labor and Employment ang pagpigil sa child labor o sapilitang pagtatrabaho ng mga bata.

Ayon kay DOLE Undersecretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster – Benjo Santos Benavidez, ito ay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa National Council Against Child Labor (NCACL), local government units at iba pang ahensya na tumutugon sa suliranin ng child labor.

“Naniniwala ang DOLE na ang mga bata ay nasa paaralan at wala sa lansangan at mga pagawaan, dapat po sila ay malaya, hindi mga manggagawa,” ayon sa mensaheng ipinadala ng DOLE sa Radio Veritas.

Ang mensahe rin ay kaugnay sa paggunita ng ika-apat na anibersaryo ng pagkakatatag sa NACL kung saan idinaos sa Quezon City Hall Risen Garden ang paggagawad ng tulong sa may 100-magulang at kanilang mga anak na napatunayang biktima ng child labor.

Ayon sa Opisyal, ang inisyatibo ay upang mabigyan ng pagkakataon ang magulang na suportahan ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

“Umaasa ako na hindi dito magtatapos ang ating kampanya laban sa child labor. Sana ay naging paalala ito sa lahat ng participants, members and partners of the NCACL, LGU, parents and guardians at sa inyong mga bata tungkol sa mga programa na inilaan para sa inyo,” ayon naman sa mensahe ni Dominique Rubia-Tutay – DOLE Assistant Secretary for Workers’ Welfare and Protection Cluster na ipinadala ng kagawaran sa Radio Veritas.

Una ng kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on the Protection of Minors (CBCP-OPM) ang inisyatibo ng DOLE at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuluyang maiwaksi ang child labor sa lipunan.

Ito ay sa paglulunsad ng Mahalin at Kalingain ating mga Bata o Makabata Hotline upang isulong ang paglaban sa Child Labor kung saan maaring matawagan o makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa mga numero bilang 0-9-6-0-3-7-7-9-8-6-3, 0-9-1-5-8-0-2-2-3-7-5 at email address na [email protected] upang isumbong ang mga makikitang pang-aabuso o child labor sa mga bata.

Sa datos ng Philippines Statistics Authority noong 2021, umabot sa 31.47-million ang bilang ng mga nagtatrabahong kabataang nasa edad lima hanggang labing-pitong taong gulang.

Habang noong 2022 ay naitala ng Council for the Welfare of Children na umabot sa siyam na libo ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa kabataan sa buong Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 23,504 total views

 23,504 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 65,396 total views

 65,396 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 119,439 total views

 119,439 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 146,791 total views

 146,791 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 163,050 total views

 163,050 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 6,702 total views

 6,702 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top