1,125 total views
Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pastol ng arkidiyosesis sa tungkuling pagmimisyon sa kawang itinalaga sa kanilang pangangalaga.
Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa Chrism Mass ng arkidiyosesis nitong March 28 kung saan iginiit ni Archbishop Palma ang kahalaghan ng bokasyong kaloob na tinanggap ng mga pari.
Sinabi ng opisyal na dapat isaisip ng mga pari ang paglilingkod sa pamayanan, isabuhay ang mga turo ng Panginoon gayundin ang pagiging mabuting huwaran sa lipunan
“It is God who had chosen, who had called, and who had sent us to mission. This is a gift. But, this gift is not so much a call to dignity but it is the ministry of service. We are anointed that we may anoint others. We are made holy so that we will make others instruments also of other’s holiness,” ani Archbishop Palma.
Umaasa ang arsobispo na maging masigasig ang mga lingkod ng simbahan sa pagmimisyon upang higit mapagyabong ang pananampalataya ng mamamayang ipinagkatiwala sa kanilang pangangala.
Batay sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021 nasa 612 ang mga pari ng arkidiyosesis kung saan 362 ang diocesan.
Katuwang ni Archbishop Palma sa pangangasiwa sa arkidiyosesis na may halos limang milyong katoliko sina Bishop Midyphil Billones at Bishop Ruben Labajo gayundin ang Bishop Emeritus na sina Bishop Emilio Batacaln at Bishop Antonio Ranola.
Ginanap ang Chrism Mass sa Cebu Metropolitan Cathedral kung saan sinariwa ng mga pari ang kanilang priestly vows gayundin ang pagbabasbas sa mga banal na langis na ginagamit sa mga sakramento ng simbahan.