Pagmimisyon ng kababaihan, tatalakayin sa WordCon ng Claretian Missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,032 total reads

Inaanyayahan ng Claretian Missionaries ang mamamayang makilahok sa isasagawang Word Conference sa November 30.

Ayon kay Fr. Elias Ayuban Jr., CMF, Provincial Superior of the Claretian Missionaries of the Fr. Rhoel Gallardo Province, tatalakayin sa pagtitipon ang gawain ng kababaihan sa pagmimisyon.
“My dear friends we would like to invite you to a Word Conference that deals with…’the role of women in the scriptures’ with the theme Touch the Word: If I just Touch His clothing (Mark 5:28),” bahagi ng paanyaya ni Fr. Ayuban.

Pagninilayan sa WordCon ang mahalagang ginampanan ng kababaihan sa Bibliya na sa pamamagitan ng mga Salita ng Diyos ay nabago ang kanilang buhay lalo na sa pakikisalamuha sa pamayanan.

Kabilang sa mga magbibigay ng panayam sa WordCon sina Sr. Mirian Alejandrino, OSB habang tagapagbahagi naman si Fr. Jose Randolf Flores, SVD sa paksang ‘Women and the Genealogy of Jesus’; Sr. Victoria Victorino, PDDM at Fr. Cristino Pine, OFM sa paksang ‘Widows in some New Testament Texts-Generating Faith in Communities’; Sr. Jolanta Kafka, RMI at Fr. Alejandro Gobrin, CMF sa paksang ‘Women Friends of Jesus’; at CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Sr. Mary John Mananzan, OSB sa paksang ‘Mary, the Mother of Jesus’.

Isasagawa ang WordCon sa pamamaraang hybrid (face-to-face at online) mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon sa Claret School of Quezon City.

Ito ay sa inisyatibo ng Claretian Missionaries in the Philippines, Claretian Communications Foundation, Inc sa pakikipagtulungan ng Claret School.
Sa mga nais lumahok sa WordCon ay maaring magparehistro sa www.wordcon.ph.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 59,086 total reads

 59,086 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 95,255 total reads

 95,255 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 130,554 total reads

 130,554 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 356,826 total reads

 356,825 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 246,945 total reads

 246,945 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top