76,732 total views
Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area.
Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong Pilipino, wala tayong alam o ideya na ginagawa ito ng mga mambabatas sa panukalang National Expenditure Program ng national government na ipinapasa sa Kongreso taon-taon bago maging batas o tinatawag na General Appropriations Act.
Ang N-E-P ay binubuo ng regular na budget o capital outlay para sa operasyon, programa at proyekto ng mga ahensiya ng gobyerno..pangalawa-Special Purpose Funds (SPF) kung saan bahagi ang kontrobersiyal na “unprogrammed fund” o standby appropriations na hindi kasama sa regular na budget..pangatlo ay “Automatic Appropritions” na kinabibilangan ng “debt service”, interest payments at principal.
Sa data at pag-aaral ng Center For National Budget, isang non-profit organization, nangyayari ang budget insertions sa “unprogrammed fund” na bahagi ng S-P-F.
Natukoy ng Center for National Budget ang pagpaparking ng malaking pondo na bahagi ng GAA 2024 sa mga attached bureau’s ng DPWH, Department of Agriculture at DOH.
Kuwestiyunable sa C-N-B ang pondong inilaan sa panukalang NEP 2025 sa ilalim ng S-P-F na Budgetary Support to Government Corporations, Allocation to Local Government Units, Pension and Gratuity Funds.
Tinatawag ni Senador Panfilo Lacson ang “talamak na budget insertions” sa panukalang General Appropritions Act na “bad partice” sa budget lawmaking.
Matapos ang naranasang pinsala ng mga nakaraang bagyo, kinuwestiyon sa panukalang 6.352-trilyong piso para sa taong 2025 ang malaking budget ng DPWH na 996.76-bilyong piso kung saan 244.6-bilyong piso dito ay para flood management program at 2.7-bilyong pisong budget ng MMDA sa flood control projects.
Kinukuwestiyon din ang nawawalang 26.7-bilyong pisong budget ng DSWD sa 2025 GAA na sinasabing ginamit sa Charter Change drive.
Kapanalig, nakasaad sa Compedium of the Social Doctrine of the Church na ang political corruption ay most serious deformities dahil nilalabag nito ang moral principles at social justice.
Kapanalig, maging mapagmatyag at bantayan natin ang paglalaan ng kongreso sa pera nating taumbayan.
Sumainyo ang katotohanan.