Lingkod ng simbahan sa Indonesia, hinimok ng Santo Papa na paigtingin ang paglingap sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,034 total reads

Hinikayat ni Pope Francis ang mga lingkod ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang misyong paglingap sa kawan maging ng mga hindi binyagan.

Ito ang pahayag ng santo papa sa pakipagpulong sa mga pari, obispo, madre at mga relihiyoso sa rehiyon sa nagpapatuloy na Apostolic Journey sa Indonesia.

Binigyang diin ni Pope Francis ang tema ng kanyang Apostolic Visit na ‘Faith, Fraternity, Compassion’ na mga katangian sa paglalakbay bilang isang simbahan.

“I encourage you to continue your mission by being strong in faith, open to all in fraternity and close to one another in compassion. Strong, open and close, with the fortitude of faith,” ani Pope Francis.
Batid ng pinunong pastol ang pagiging mayaman sa likas na yaman ng Indonesia na tanda ng pagiging kaisa ng Diyos sa kanilang paglalakbay at pagpapadama ng diwa ng pag-ibig sa sangkatauhan.
Gayundin ang panawagan ng kapatiran sa bansa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananampalataya, kultura at tradisyon ng mamamayan.

Sa datos minorya lamang ang mga katoliko sa Indonesia sa tatlong poryento ng mahigit 200 milyong populasyon o nasa walong milyon lamang ang binyagang katoliko.

Bagamat magkakaiba ang pananaw ng mamamayan ay hinikayat ni Pope Francis ang mga lider ng simbahan sa Indonesia na paigtingin ang mga hakbang at programang lumilingap sa bawat tao sa bansa.

Tinuran ni Pope Francis ang Mahal na Birheng Maria bilang huwaran ng pananampalataya na buong katapatang sumunod sa kalooban ng Diyos at tumutulong sa sangkatauhan upang mailapit ang landas tungo kay Hesus.

Bukod sa mga lingkod simbahan ng Indonesia nakiisa rin sa pagtanggap kay Pope Francis sa Our Lady of the Assumption Cathedral sa Jakarta sina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza at Sorsogon Bishop Jose Allan Dialogo.

Kabilang naman sa delegasyon ni Pope Francis sa kanyang 45th Apostolic Visit sa Asia-Ocenia region si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle na kanyang katuwang sa Dicastery for Evangelization.

Sa mahigit isang dekadang panunungkulan ni Pope Francis sa mahigit isang bilyong katoliko sa mundo ito na ang pinakamahabang apostolic trip na umaabot sa 12 araw sa mga bansang Indonesia, Papua New Guinea, Timor Leste at Singapore.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 31,242 total reads

 31,242 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 258,063 total reads

 258,063 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 151,530 total reads

 151,530 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 245,560 total reads

 245,560 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 288,302 total reads

 288,302 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top