Pagpapabakuna, pagmamahal sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 607 total views

Pagpapabakuna, pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Ito’y ayon kay Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity chairman-elect at Tarlac Bishop Enrique Macaraeg kaugnay sa patuloy na panawagan ng simbahan sa publiko na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Paliwanag ni Bishop Macaraeg, ang pagpapabakuna ang naaangkop na misyong dapat na tupdin ng bawat mamamayan ngayong panahon ng pandemya upang unti-unti nang mabawasan ang pangambang idinudulot ng COVID-19 sa lipunan.

“Ang pagpapabakuna, bilang pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kapwa ay isang pamamaraan na angkop gawin ng bawat mananampalataya sa pagkakataong ito. Malaki ang maitutulong ng bakuna sa atin kung kaya maialis nawa natin ang agam-agam lalo pa at tumataas ang bilang ng mga nahahawa ng COVID virus,” bahagi ng mensahe ni Bishop Macaraeg sa Radio Veritas.

Dagdag pa ng Obispo na sa pagpapabakuna ngayon nakasalalay ang kaligtasan ng buhay ng bawat mamamayan, gayundin ang maibalik ang sigla ng bawat isa upang muling makapamuhay nang malaya at walang iniisip na banta ng panganib.

Hinihimok naman ni Bishop Macaraeg ang sambayanang Filipino na mas maging aktibo pa sa paghikayat sa kapwa na magpabakuna at ipalaganap ang magandang epekto nito sa katawan ng tao nang sa gayon ay tuluyan nang makamtan ng bansa ang inaasam na kaligtasan laban sa COVID-19 pandemic.

“Kaya naman, tayo ay lalong maging aktibo sa paghihikayat na magpabakuna at dito natin simulan ang pagbangon para sa isang ligtas na tahanan ng Diyos, ang kanyang bayan, ang kanyang sanilikha,” ayon kay Bishop Macaraeg.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa mahigit 34-milyon ang kabuuang bilang ng mga naipamahaging COVID-19 vaccines sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, higit sa 20-milyong mamamayan ang nakatanggap na ng unang dose habang nasa higit 14-milyon naman ang natanggap na ang ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 55,621 total views

 55,621 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 77,731 total views

 77,731 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 153,779 total views

 153,779 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 153,702 total views

 153,702 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top