Pasko, hindi isang commercial celebration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 699 total reads

Hindi isang ‘commercial celebration’ ang Araw ng Pasko.

Ito ang paalala ni incoming Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay sa maagang pagsisimula ng pagdiriwang ng pasko sa bansa tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre.

Ayon sa Obispo, hindi kailanman hinikayat o sinuportahan ng Simbahan ang maagang pagsisimula ng pasko sa bansa na taliwas sa Liturgical calendar ng Simbahang Katolika.

“Ewan kung saan nagmula ‘yung idea na ang pasko ay nagsisimula na basta dumapo na sa month na may ‘Ber’ – September, October, November, December – apat na buwan kang magpapasko. Talagang hindi siya tama and it has nothing to do with the Liturgical calendar of the Catholic Church. [Kahit kailanan] hindi nag-encourage ang Simbahang Katolika na simulan ang pagdiriwang ng pasko sa September dahil ang pasko, it’s not even the whole of December.” Ang bahagi ng pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo, bago pa man ang pagdiriwang ng pasko tuwing buwan ng Disyembre ay may ginugunita pang panahon ng Adbiyento na apat na linggong paghahanda sa araw ng pagsilang ng Anak ng Diyos na si Hesus.

Pagbabahagi ni Bishop David, ang ‘commercialization’ ang maituturing na dahilan sa nakasanayang maagang pagsisimula ng pagdiriwang ng pasko sa bansa upang masulit o masamantala ng mga mamumuhunan ang pangungumersyo sa bawat isa.

Iginiit ng Obispo na hindi isang ‘commercial celebration’ ang Araw ng Pasko na nakasisira hindi lamang sa liturgical season ng Simbahan kundi sa tunay na kahulugan at mensaheng hatid ng Araw ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus upang isakatuparan ang pangakong kaligtasan ng Panginoon sa pamamagitan ng pagsisilbing tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa kasalanan.

“Strictly speaking tayo in December may adbiyento pa ‘yan diba tapos mamaya meron tayong nobenaryo in preparation for Christmas, pero sinisira mo yung liturgical season and the only reason for it is commercialization, huwag tayong bibigay sa pangungumersyo ng tao sa pasko, pinapasulit nila yung pangungumersyo nila ng pasko at hindi yun tama. Hindi isang commercial celebration ang pasko, ilagay natin sa tamang lugar parang wala na sa mga lugar ang mga bagay bagay.” Dagdag pa ng Obispo.

Ang apat na linggo sa panahon ng Adbiyento ay sumisimbolo sa panahon ng paghihintay ng mga Kristiyanong Katoliko sa kapanganakan ni Hesus na isang makahulugang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko o pagsilang ng Anak ng Diyos na may hatid na pag-asa, pag-ibig at kapayapaan sa sangkatauhan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,050 total reads

 10,050 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,177 total reads

 10,177 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 18,721 total reads

 18,721 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 75,127 total reads

 75,127 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 198,628 total reads

 198,628 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 283,067 total reads

 283,067 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top