Setyembre, inilaan ng Simbahan bilang “stewardship month”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Hinihikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bawat mamamayan na baguhin na ang nakasanayang paraan ng pamumuhay upang makatulong sa pagpapanatili sa ating nag-iisang tahanan.

Sa inilabas na liham pahayag ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, sinabi nito na ngayong muling ipinagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang ika-10 ng Oktubre, nawa’y magampanan ng bawat isa ang pagiging katiwala na misyong ipinagkaloob ng Diyos upang pangalagaan at pakaingatan ang kalikasan.

“Inaalagaan natin ang kalikasan kasi nilikha tayo ng Diyos bilang mga tao na katiwala niya. Tayo ay mga katiwala ng Diyos, hindi lang ng ating kapaligiran kundi pati na ng ating buhay, ng ating panahon, ng ating pananampalataya, ng ating mga talent, at ng mga materyal na ari-arian,” pahayag ni Bishop Pabillo.

Giit ni Bishop Pabillo na siyang chairman-elect ng CBCP-Episcopal Office on Stewardship na ang kalikasan ay hindi pag-aari ng sinuman at hindi rin dapat basta-basta na lamang sirain para sa pansariling kapakanan.

Sa halip ayon sa obispo, ito ay dapat pang pagyamanin at ibahagi sa kapwa upang mas mapangalagaan at mapanatili nang wasto.

“Kaya huwag nating sirain ang ipinagkatiwala sa atin. Sa halip, ito ay palaguin at ibahagi natin sa iba… Ang biyaya ng Diyos ay hindi lang para sa iilan, kundi para sa lahat. Kaya ang mas biniyayaan ay may tungkulin na gamitin ang mga biyaya na mapapakinabangan ng mas lalong nakakarami,” ayon sa opisyal ng CBCP.

Maliban sa paggunita sa panahon ng paglikha, ang Setyembre ay inilaan din ng simbahan bilang Stewardship month upang magsilbing paalala sa bawat mananampalataya sa pagiging mga katiwala ng Diyos.

Hinihimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na maglaan ng panahon upang masuklian ang mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos sa bawat tao sa pamamagitan ng pananalangin, pakikibahagi at pagbibigay ng tulong sa mga higit na nangangailangan.

“Ibigay din natin sa Kanya ang bahagi Niya at mas lalo pa niya tayong bibiyayaan… Huwag tayong manghihinayang na maglaan ng panahon para magdasal. Maging matulungin tayo sa paglahok sa mga ministries ng ating simbahan. Mas maging mapagbigay tayo sa mga pangangailangan ng simbahan at ng mahihirap. Mararanasan natin na hindi natin matatalo ang Diyos sa kagandahang-loob,” saad ni Bishop Pabillo.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 7,898 total reads

 7,898 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 21,177 total reads

 21,177 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 125,429 total reads

 125,429 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 165,987 total reads

 165,987 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 186,441 total reads

 186,441 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 234,405 total reads

 234,405 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,731 total reads

 133,731 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top