Pagpapabakuna, pagmamahal sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 656 total views

Pagpapabakuna, pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Ito’y ayon kay Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity chairman-elect at Tarlac Bishop Enrique Macaraeg kaugnay sa patuloy na panawagan ng simbahan sa publiko na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Paliwanag ni Bishop Macaraeg, ang pagpapabakuna ang naaangkop na misyong dapat na tupdin ng bawat mamamayan ngayong panahon ng pandemya upang unti-unti nang mabawasan ang pangambang idinudulot ng COVID-19 sa lipunan.

“Ang pagpapabakuna, bilang pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kapwa ay isang pamamaraan na angkop gawin ng bawat mananampalataya sa pagkakataong ito. Malaki ang maitutulong ng bakuna sa atin kung kaya maialis nawa natin ang agam-agam lalo pa at tumataas ang bilang ng mga nahahawa ng COVID virus,” bahagi ng mensahe ni Bishop Macaraeg sa Radio Veritas.

Dagdag pa ng Obispo na sa pagpapabakuna ngayon nakasalalay ang kaligtasan ng buhay ng bawat mamamayan, gayundin ang maibalik ang sigla ng bawat isa upang muling makapamuhay nang malaya at walang iniisip na banta ng panganib.

Hinihimok naman ni Bishop Macaraeg ang sambayanang Filipino na mas maging aktibo pa sa paghikayat sa kapwa na magpabakuna at ipalaganap ang magandang epekto nito sa katawan ng tao nang sa gayon ay tuluyan nang makamtan ng bansa ang inaasam na kaligtasan laban sa COVID-19 pandemic.

“Kaya naman, tayo ay lalong maging aktibo sa paghihikayat na magpabakuna at dito natin simulan ang pagbangon para sa isang ligtas na tahanan ng Diyos, ang kanyang bayan, ang kanyang sanilikha,” ayon kay Bishop Macaraeg.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa mahigit 34-milyon ang kabuuang bilang ng mga naipamahaging COVID-19 vaccines sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, higit sa 20-milyong mamamayan ang nakatanggap na ng unang dose habang nasa higit 14-milyon naman ang natanggap na ang ikalawang dose at kumpleto na sa bakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,534 total views

 49,534 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,403 total views

 45,403 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,605 total views

 81,605 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,255 total views

 90,255 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,391 total views

 115,391 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top