Pagpapahalaga ng Korte Suprema sa testimonya ni Mary Jane Veloso, kinatigan ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 692 total reads

Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang naging desisyon ng Korte Suprema na pahintulutan si Mary Jane Veloso na tumestigo laban sa kaniyang mga recruiter.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng kumisyon, naaangkop ang desisyong ito ng mga hukom sapagkat mahalaga ang magiging testimonya at mga pahayag ni Veloso para sa katotohanan.

Bukod dito, binigyang diin rin ng Obispo na mahalagang maisiwalat ang modus operandi ng mga illegal recruiters at nagaganap na human trafficking sa bansa na bumibiktima ng mga inosenteng mamamayan na nagnanais mapaganda ang buhay ng pamilya.

“Our prayers are heard. Thanks be to God. Our justices have decided for what is just, proper and right. It is triumph of reason and truth. To know fully what really happened, MJ must be given chance to air her story. With this, we will know modus operandi of human trafficking, how she was used, duped and victimized by her recruiters.” pahayag ni Bishop Ruperto Santos sa Radyo Veritas.

Tiwala ang Obispo na malaking bagay ang paninindigan ng Korte Suprema na mabigyan ng patas na pagkakataon si Veloso na maipagtanggol ang kanyang sarili sa harapan ng hukuman sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanya upang magpahayag ng testimonya.

Tiniyak naman ni Bishop Santos ang patuloy na pananalangin hanggang tuluyang makamit ni Mary Jane Veloso ang katarungan, kalayaan at makabalik sa kanyang normal na buhay kasama ang kanyang pamilya bansa.

“We appreciate the sound and fair decision of SC to let MJ give her testimony. And we will continue to pray that MJ will receive justice, will enjoy full liberty and live a normal, humane life.” Dagdag pa ni Balanga Bishop Santos.

Kaugnay nito patuloy ang pagbabantay sa kaso ni Mary Jane Veloso na kasalukuyan pa ring nakakulong sa Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 na kilo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng 500,000-dolyar sa Yogyakarta, Indonesia noong 2010.

Taong 2015, bago ang nakatakdang pagbitay sa kanya ay nabigyan si Veloso ng “reprieve” at pansamantalang ipinagpaliban ang kanyang pagbitay upang bigyang daan ang paglilitis sa kasong inihain sa Pilipinas laban sa sinasabing illegal recruiters na sina Maria Christina Sergio at live-in partner nitong si Julius Lacanilao.

Nasasaad sa desisyon ng Korte Suprema ang pagpapahintulot kay Mary Jane Veloso na tumestigo laban kay Sergio at Lacanilao na kapwa nahaharap sa mga kasong human trafficking, illegal recruitment, at estafa sa pamamagitan ng isang deposition mula sa Indonesia.

Ayon sa Kataastaasang Hukuman ang hindi pagpapahintulot kay Veloso na tumestigo ay maituturing na paglabag sa kanyang katapatan at pagkakait ng due process upang makamit ang katarungan kanyang hinahangad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 13,825 total reads

 13,825 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,573 total reads

 48,573 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,055 total reads

 85,055 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,267 total reads

 103,267 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 186,875 total reads

 186,875 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top