European Higher Education Fair 2019, ilulunsad ng EU.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 368 total views

Tiniyak ng pamunuan ng European Union sa Pilipinas ang pagpapalakas sa programang edukasyon sa mga kabataang Filipino na nais makapagtapos ng pag-aaral sa ibayong dagat.

Ayon kay Mr. Thomas Wiersing, Chargé d’Affaires ng EU Delegation to the Philippines, patuloy nitong hinihimok ang mga Filipino na bigyang pagkakataon ang oportunidad na makapag-aral sa Europa sa tulong ng Erasmus+ program, Marie Curie at iba pa.

“We [EU] are very committed to have as many students as possible,” pahayag ni Weirsing sa Radio Veritas.

Sa ika – 26 ng Oktubre ay ilulunsad ang European Higher Education Fair 2019 sa Shangri-La Plaza kung saan tampok dito ang mahigit sa 30 unibersidad at Higher Education Institutions ng Europa na maaring papasukan ng mga Filipinong nais maging bahagi ng Erasmus+ program ng EU.

Kabilang sa mga bansa na bukas para sa mga mag-aaral ang Belgium, Czech Republic, Denmark, Finland, France, Germany, Hungary, Italy, The Netherlands, Sweden, Spain, at Austria.

THE SCHOLARS

Sa testimonyang ibinahagi ni Kent Tangcalagan, MA, MHSS, RN, isa sa 66 na Erasmus Mundus scholar ngayong taon ay labis ang pasasalamat nito sa EU sa pagkakataong ibinigay mapalago ang karunungan na makatutulong sa pagpayabong sa trabahong pinili.

“The prestige of the Erasmus Mundos program is very identified by most professionals especially sa development sector,” ani ni Tangcalagan sa Radio Veritas.

Pinasalamatan din nito ang E-U sa paggabay habang nag-aplay ito bilang scholar sa pamamagitan ng mga rekomendasyon at sa malaking oportunidad para sa mga Filipino.

“Thank you for giving Filipinos and other developiong countries this opportunity to have this excellent form of education abroad,” saad pa ni Tangcalagan.

Ilan sa mga unibersidad na pinasukan nito ay ang University of Budapest sa Hungary, University of Regensburg sa Germany at University of Trento sa Italy kung saan nagtapos din ito bilang Summa Cum Laude – Erasmus Mundus Joint Master Degree.

Sinabi naman ni Dr. Michael Campued na ang pagiging scholar ng Erasmus at pag-aaral sa Europa ay nakatulong sa kanyang propesyon upang higit pang pagbutihin at pag-alabin ang paglilingkod sa mamamayan.

“I feel like my exposure here afforded me with that level of confidence because I saw that we as Filipinos really do perform in European countries and European Higher Education Institutions,” ayon kay Dr. Campued.

Umaasa itong ipagpatuloy ng European Union ang pamumuhunan sa edukasyon bilang pamamaraan ng pagpatibay ng relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa at mapalalim ang kamalayan sa etikal na pamamaraan at malalim na kamalayan sa mga panlipunang katarungan.

Tema ngayong EHEF 2019 ang Study in Europe: Eur Journey to Excellence bilang pagtatanghal sa dekalidad na edukasyon na magbubukas ng mas malawak na oportunidad ng bawat magsipagtapos.

Sa kabuuan umabot na sa higit 400 Filipino ang nagtagumpay sa Erasmus+ na nakatulong sa kanilang piniling trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 5,413 total views

 5,413 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 18,990 total views

 18,990 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 47,554 total views

 47,554 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 97,501 total views

 97,501 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 92,644 total views

 92,644 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top