Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 339 total views

Ang Mabuting Balita, 19 Oktubre 2023 – Lucas 11: 47-54

PAGPAPAIMBABAW

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus, “Kawawa kayo! Ipinagtatayo ninyo ng magagarang libingan ang mga propetang pinagpapatay ng inyong mga magulang. Sa ganitong paraan, kayo na rin ang nagpapatunay na sang-ayon kayo sa mga ginawa ng inyong mga magulang; sapagkat sila ang pumatay sa mga propeta at kayo naman ang nagtatayo ng libingang puntod ng mga yaon. Dahil dito’y sinabi rin ng Karunungan ng Diyos, ‘Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at ng mga apostol; ang iba’y papatayin nila at uusigin ang iba.’ Sa gayo’y lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa pagpatay sa mga propeta buhat nang itatag ang sanlibutan, magmula kay Abel hanggang kay Zacarias na pinatay sa pagitan ng dambanang sunugan ng mga handog at ng gusali ng Templo. Sinasabi ko sa inyo, lalagpak sa lahing ito ang parusa dahil sa kanilang ginawa.

“Kawawa kayo, mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat inalis ninyo ang susi ng karunungan. Ayaw na ninyong magsipasok, hinahadlangan pa ninyo ang mga nagnanais pumasok.”

At umalis si Jesus sa bahay na iyon. Mula noon, tinuligsa na siya ng mga eskriba at ng mga Pariseo at pinagtatatanong tungkol sa maraming bagay, upang masilo siya sa kanyang pananalita.

————

Mukhang galit na galit si Jesus sa mga eskriba at Pariseo na nakikinig sa kanyang mga itinuturo, hindi upang mayroong matutunan kundi “upang masilo siya sa kanyang pananalita.” Sa kalaunan, bumalangkas sila na patayin siya. Ang lahat ng ito ay dahil nakikita ni Jesus ang kanilang PAGPAPAIMBABAW, ang kanilang pagkukunwari na magmukhang banal at relihiyoso sa harapan ng mga tao, bagama’t sinasabi nilang mga dalubhasa sila sa Kautusan. Marahil, galit na galit si Jesus sa kanila sapagkat paano maliligtas ang ganitong uri ng mga tao?

Paano tayo maliligtas kung sa tingin natin hindi natin kailangan ang kaligtasan?

Pagnilayan natin itong awit na isinulat ni Fr. Fruto Ramirez, S.J., PANGINOON, AKING TANGLAW –

Panginoon aking tanglaw;

Tanging ikaw ang kaligtasan.

Sa panganib ingatan ako;

Ang lingkod mong nananalig sa ‘yo.

Ang tawag ko’y ‘yong pakinggan;

Lingapin mo at kahabagan.

Anyaya mo’y lumapit sa ‘yo;

Huwag magkubli huwag kang magtago.

Sa bawat sulok ng mundo

ang lingkod mong hahanap sa ‘yo.

Ang tawag ko’y ‘yong pakinggan;

Lingapin mo at kahabagan.

Panginoon aking tanglaw;

Tanging ikaw ang kaligtasan.

Sa masama ilayo mo ako;

Ang lingkod mong umiibig sa ‘yo!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,654 total views

 16,654 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,614 total views

 30,614 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,766 total views

 47,766 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,950 total views

 97,950 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,870 total views

 113,870 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

TOO LATE

 1,475 total views

 1,475 total views Gospel Reading for July 15, 2025 – Matthew 11: 20-24 TOO LATE Jesus began to reproach the towns where most of his mighty

Read More »

TEMPORARY

 2,144 total views

 2,144 total views Gospel Reading for July 14, 2025 – Matthew 10: 34 – 11: 1 TEMPORARY Jesus said to his Apostles: “Do not think that

Read More »

GLORIOUS SELF

 2,575 total views

 2,575 total views Gospel Reading for July 13, 2025 – Luke 10: 25-37 GLORIOUS SELF There was a scholar of the law who stood up to

Read More »

STEADFAST

 1,436 total views

 1,436 total views Gospel Reading for July 12, 2025 – Matthew 10: 24-33 STEADFAST Jesus said to his Apostles: “No disciple is above his teacher, no

Read More »

POWER OF THE HOLY SPIRIT

 1,932 total views

 1,932 total views Gospel Reading for July 11, 2025 – Matthew 10: 16-23 POWER OF THE HOLY SPIRIT Jesus said to his Apostles: “Behold, I am

Read More »

TRUE WITNESSES

 3,593 total views

 3,593 total views Gospel Reading for July 10, 2025 – Matthew 10: 7-15 TRUE WITNESSES Jesus said to his Apostles: “As you go, make this proclamation:

Read More »

TRULY PRACTICE

 3,995 total views

 3,995 total views Gospel Reading for July 09, 2025 – Matthew 10: 1-7 TRULY PRACTICE Jesus summoned his Twelve disciples and gave them authority over unclean

Read More »

NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS

 5,275 total views

 5,275 total views Gospel Reading for July 08, 2025 – Matthew 9: 32-38 NEVER GIVE UP AND JUST FOCUS A demoniac who could not speak was

Read More »

“GOD ALONE SUFFICES”

 5,523 total views

 5,523 total views Gospel Reading for July 07, 2025 – Matthew 9: 18-26 “GOD ALONE SUFFICES” While Jesus was speaking, an official came forward, knelt down

Read More »

STAND IN AWE

 5,167 total views

 5,167 total views Gospel Reading for July 06, 2025 – Luke 10: 1-12, 17-20 STAND IN AWE At that time the Lord appointed seventy-two others whom

Read More »
Scroll to Top