Pagpapanagot sa mining company na kumalbo sa Brooke’s Point, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 349 total views

Ikinalungkot ng bagong talagang Obispo ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa ang pagputol sa century old trees sa Brooke’s Point, Palawan. Ayon kay Bishop Socrates Mesiona, itinuturing na last frontier ng Pilipinas ang Palawan kaya mahalagang mapangalagaan at mapreserba ang likas na yaman sa lalawigan.

Iginiit ni Bishop Mesiona na maraming lokal na residente ang umaasa sa mga pinutol na puno sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay dahil ang lugar ay nagsisilbing watershed ng Brooke’s Point.

“Isang malungkot na pangyayari kasi last frontier itong Palawan kaya sana mapangalagaan yung kalikasan, yung mga punong kahoy na century old na,” pahayag ni Bishop Mesiona sa Radio Veritas
Samantala, pinuri ni Bishop Mesiona ang naging tugon ng mamamayan sa walang habas na pamumutol ng puno mining company na Ipilan Nickel Corporation na affiliate company ng Global Ferronickel Holdings Incorporated.

Ayon sa Obispo, maganda ang ipinakikitang pagkakaisa ng mamamayan at lokal na pamahalaan kasama na ang Simbahan sa Palawan upang ipaglaban ang pangangalaga sa kalikasan.

“Mabuti naman at ang mga tao talaga mismo ang lumalaban kasi na realize din nila na talagang mahalaga yun [kalikasan]. Ang instruction ko sa aming Social Action Director ay let’s do whatever we can, para matulungan ang mga tao kasi nakikita natin yung initiative talaga galing sa tao,” dagdag pa ng Obispo.

Sa pagsisiyasat ng lokal na pamahalaan sa Brooke’s Point, tinatayang 15,000 mga puno na nakasasakop ng 10-hektaryang natural forest ang kinalbo ng Ipilan Nickel Corporation kabilang na ang mga century old trees sa kabila ng kanseladong Environmental Clearance Certificate ng kumpanya.

Sa kasalukuyan, naghahanda na ang mga residente ng Brooke’s Point at ang lokal na pamahalaan nito upang papanagutin ang kumpanya ng minahan sa sumira sa kanilang kagubatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 186,348 total views

 186,348 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 208,458 total views

 208,458 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 280,062 total views

 280,062 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 269,098 total views

 269,098 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 291,191 total views

 291,191 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top