Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapatala ng dadalo sa misa, bahagi ng ‘contact tracing and safety measures’ ng simbahan

SHARE THE TRUTH

 360 total views

June 2, 2020-12:13pm

Paiigtingin ng Diyosesis ng Balanga sa Bataan ang pagbabantay at pagpatupad ng mga safety measures upang matiyak ang kaligtasang pangkalusugan ng mga mananampalataya na dadalo ng mga Banal na Misa sa mga simbahan.

Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Bishop Ruperto Santos na itatala ng mga parokya ang pangalan, tirahan at maging ang telepono ng mga mananampalataya bilang hakbang sa mas mabilis na contact tracing.

“The faithful can also apply the online reservation for the seating arrangement; we provide log book which includes complete address, time in and cellphone number to fill in,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ito ang isa sa mga pinaghahandaan ng diyosesis makaraang payagan ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter Agency Task Force na maari nang makapagmisa sa mga simbahan ngunit limitado lamang sa sampung katao ang maaring makadalo sa mga lugar na umiiral ang general community quarantine habang 50 porsyento naman sa kapasidad ng simbahan sa mga lugar na nakataas ang modified general community quarantine.

Ayon kay Bishop Santos bumuo na rin ng sanitation committee ang mga simbahan sa Bataan na tututok sa mga panuntunang pangkalusugan ng mga mananamapalataya sa lalawigan.

“As they enter [the church] a number which corresponds to their seating arragement is given, and member of sanitation committee will lead/point them to their respective seats,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Bishop Santos na kaisa ang simbahang katolika sa kampanyang pigilan ang paglaganap ng nakamamatay na corona virus na bumibiktima na sa halos 20-libong indibidwal sa Pilipinas.

Nanawagan din ang obispo sa mga senior citizens at kabataang edad 20 taong gulang pababa na huwag na munang dumalo sa mga misa sa parokya kundi ipagpatuloy ang pakikiisa sa online livestreaming ng mga pagdiriwang bilang pag-iingat sa kanilang kalusugan na posibleng malantad sa malaking banta ng pagkahawa.

Mahalaga ang mabilis na contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga nagpopositibo sa COVID 19 upang mapigilan ang pagkakahawahawa sa mga komunidad.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,499 total views

 83,499 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,274 total views

 91,274 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,454 total views

 99,454 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 114,986 total views

 114,986 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 118,929 total views

 118,929 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top