Pagpasok ng mining companies sa Nueva Vizcaya, tinutulan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,665 total views

Mariing tinutulan ni Bishop Elmer Mangalinao ng Diyosesis ng Bayombong ang patuloy na pagpasok ng mga kumpanya ng pagmimina sa lalawigan na kilala bilang “Watershed of Region II.”

Ayon sa obispo, may humigit-kumulang 15 kumpanya pa ang nag-a-apply ng permit upang magmina sa iba’t ibang bahagi ng probinsya. Sa kasalukuyan, may dalawang malaking minahan na ang nasa probinsya— ang OceanaGold sa Kasibu at ang FCF Mining Company sa Quezon.

Sinabi ni Bishop Mangalinao na matapos maubos ang mineral sa dating lugar ng FCF Mining, nais pa nitong maghukay sa ibang mga barangay. Binalaan niya na kung magpapatuloy ito, posibleng masira ang kabundukan at kalikasan ng buong Nueva Vizcaya.

“Mayroon na po dito [na] dalawang malaking [o] dambuhalang minahan ang OceanaGold sa Barangay Didipio – Kasibu, at FCF Mining company dito naman sa Quezon. Itong FCF, kasama nila ang Woggle na matatapos na ang term, kasi wala nang makuhang mineral doon sa lugar, gusto naman nila sa kabila. Mga barangay ang nais nilang butasin at sirain,” ayon sa pahayag ni Bishop Mangalinao sa programang Barangay Simbayanan.

Pinuna rin ng obispo ang DENR dahil sa pagbibigay ng permit sa mga kompanya ng pagmimina sa kabila ng tungkulin nitong pangalagaan ang mga watershed.

“Iyon ang ipinagtataka namin. Para saan ba ang DENR, para saan ba sila? I don’t think, they understand the reality of our situation. ‘Yun lang taguring ‘watershed’ [ay] dapat wala nang iba pang puwedeng manira dito, kaya lang they are giving licenses and right[s],” ayon pa sa obispo.

Pinuri naman ng simbahan ang ilang local na opisyal na hayagang tumutol sa pagmimina.

Ayon sa obispo, aktibo ang simbahan sa pagsuporta sa mga mamamayan na lumalaban sa pagmimina. Sa katunayan, ayon kay Bishop Mangalinao, dalawa na ang kanilang isinagawang rally, at nakatakda pa silang magsagawa ng peace rally kasama ang iba’t ibang grupo ng pananampalataya habang nagpapatuloy ang mga barikada sa mga lugar na apektado ng pagmimina.

Hindi rin nagustuhan ng simbahan ang desisyon ng korte na maglabas ng TRO laban sa mga residente sa halip na sa mga kumpanya ng pagmimina.

Binigyang-diin ng obispo na para sa mga mamamayan, ang bundok ay hindi lamang lupang pakikinabangan, kundi pinagmumulan ng buhay, kultura, at tahanan. Hinimok niya ang mga pinuno ng pamahalaan na pangalagaan ang kalikasan at agarang itigil ang mga gawaing nagdudulot ng pagkasira ng kapaligiran at kabuhayan ng mga tao.

Dagdag pa ni Bishop Mangalinao, “Ang tunay na pag-unlad ay hindi galing sa pagmimina, kundi sa pangangalaga sa kalikasang nagbibigay-buhay sa lahat.”

co-author Lorenzo Maño

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 15,105 total views

 15,105 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 85,217 total views

 85,217 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 159,832 total views

 159,832 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 239,910 total views

 239,910 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 282,553 total views

 282,553 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top