Pagpasok ng tubig baha sa makasaysayang Betis church sa Guagua Pampanga, ikinalulungkot ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,116 total reads

Ikinabahala ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang pagpasok ng tubig baha sa makasaysayang Betis Church sa Guagua, Pampanga matapos ang ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan.

Sa mensahe ng Cardinal sa kanyang personal na Facebook account, sinabi ni Cardinal David na masakit para sa kaniya na makita ang makasaysayang Simbahan na pinasok ng tubig baha, kabilang ang makasaysayang sahig nitong yari sa kahoy.

“It pains me to see our beloved Betis Church like this,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal David.

Ayon sa Cardinal, kabilang ang Betis Church sa mahahalagang heritage churches ng bansa at isa sa iilang Simbahan na nananatili ang orihinal na wooden floor, na ilang henerasyon nang tinahak ng mga mananampalataya.

Nanawagan si Cardinal David ng panalangin na agad ng humupa ang ulan at bumaba ang tubig baha upang maiwasan ang mas malaking pinsala sa Simbahan.

“We pray that the rains subside and the waters recede soon,” Ani Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Cardinal ang pangangailangang pangalagaan ang makasaysayang Simbahan, na una ng nakaligtas sa pagsabog ng Bulkang Pinatubo at ngayon ay humaharap naman sa lumalaking banta ng climate change.

“May this precious heritage church, which survived Pinatubo, also survive the growing threats of climate change.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ang Santiago Apostol Parish Church na mas kilala bilang Betis Church sa Guagua, Pampanga ay kilala rin sa mahalagang papel nito sa kasaysayan at sining ng Simbahan sa Pilipinas, ay patuloy na nagsisilbing tahanan ng pananampalataya ng mga taga-Pampanga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,850 total reads

 19,850 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,150 total reads

 43,150 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,651 total reads

 79,651 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,275 total reads

 300,275 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,803 total reads

 333,803 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top