Archdiocese of Nueva Segovia, umaapela ng tulong sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,013 total reads

Umapela ng tulong pinansyal ang Archdiocese of Nueva Segovia sa Caritas Manila para sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng Bagyong Maymay at pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat sa Ilocos Sur.

Ibinahagi ni Nueva Segovia Archbishop David William Antonio kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton C.T. Pascual ang lawak ng pinsala na naidulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan, pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge sa lalawigan.

Ayon sa ulat ni Archbishop Antonio, batay sa paunang datos mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at Parish Social Action Coordinators, 4,192 pamilya o 12,641 indibidwal ang malubhang naapektuhan ng kalamidad.

Naitala rin ang 26 na partially damaged houses at isang totally damaged na bahay, partikular sa ilang komunidad sa southwestern portion ng Ilocos Sur.

Dahil dito, umapela ng tulong pinansyal ang Arsobispo sa Caritas Manila upang matulungan ang mga apektadong komunidad na makabangon mula sa pinsala.

“We heartily ask your good office for financial assistance to help the affected communities and be an instrument of God’s love, mercy, and compassion,” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Antonio.

Bukod sa tulong pinansyal, hiniling din ng Arsobispo ang patuloy na panalangin para sa mga residenteng nakararanas ng takot at pangamba dahil sa epekto ng bagyo at Habagat.

“May we also ask for your fervent prayers, that the people of Ilocos Sur and other provinces as well may overcome their fears and uncertainties,” Apela ni Archbishop Antonio.

Nanawagan din ang Arsobispo ng pananalig at katatagan sa mga pamilyang naapektuhan, habang patuloy na tumutugon ang Simbahan sa kanilang mga pangangailangan.

Sa panahon ng kalamidad, muling ipinakikita ng mga pagkilos ng mga diocesan social action ministry at Caritas network ang panawagan ng Simbahan na ang pagmamahal sa Diyos ay ganap na naisasabuhay sa pamamagitan ng konkretong pagtulong, pakikiisa at pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,205 total reads

 42,205 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,655 total reads

 38,655 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,241 total reads

 73,241 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,061 total reads

 175,061 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,623 total reads

 215,623 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,631 total reads

 234,631 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,206 total reads

 42,206 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top