Diocese of Tarlac, nanawagan ng relief assistance sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,651 total reads

Nanawagan ng tulong partikular ng emergency relief assistance ang Caritas Tarlac sa Caritas Manila para sa mga pamilyang Aeta sa Sitio Tala, Barangay Mababanaba, San Jose, Tarlac na nahaharap sa kakulangan sa pagkain dahil sa patuloy na pag-ulan.

Ipinaabot ni Caritas Tarlac Executive Director Rev. Fr. Randy M. Salunga kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton C.T. Pascual ang matinding epekto ng ilang linggong pag-ulan sa kabuhayan ng mga katutubong pamilya sa lugar.

Ayon kay Fr. Salunga, hindi makapaghanapbuhay at makapagsaka ang mga residente dahil sa masamang panahon at mapanganib na kondisyon, dahilan upang mawalan sila ng agarang pinagkukunan ng pagkain.

Partikular na humingi ng tulong ang Caritas Tarlac para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente tulad ng food packs o relief goods, kabilang ang bigas, de-lata at iba pang pangunahing pagkain.

“Due to the inclement weather and dangerous conditions, these families have been completely unable to engage in their daily livelihood and farm work. Consequently, they are currently facing critical food shortages and have no immediate source of food to eat.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Salunga.

Pagbabahagi ng Pari, hindi bababa sa 100 pamilyang Aeta sa Sitio Tala ang apektado ng masamang panahon na agarang nangangailangan ng tulong.
Nagpasalamat din si Fr. Salunga sa patuloy na suporta ng Caritas Manila sa mga komunidad na dumaranas ng sakuna at krisis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Thank you for always being there for us whenever our diocese and communities face adversity. Your unwavering brotherhood, constant generosity, and swift compassion have always been a pillar of strength for Caritas Tarlac.” Dagdag pa ni Fr. Salunga.

Samantala, muli ring ibinahagi ng Pari ang mahalagang papel ng Caritas network ng Simbahan sa pagtugon sa kagyat na pangangailangan ng mga mahihirap at higit na apektado ng kalamidad, hindi lamang sa pagbibigay ng pinansyal at materyal na tulong kundi sa pagiging konkretong tanda ng pagkakapatiran, malasakit at pag-asa sa panahon ng pagsubok.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,192 total reads

 42,192 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,638 total reads

 38,638 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,225 total reads

 73,225 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,045 total reads

 175,045 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,607 total reads

 215,607 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,615 total reads

 234,615 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,193 total reads

 42,193 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top