Dapat mas mabigat ang pananagutan sa paggamit ng confidential fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,947 total reads

Binigyang-diin ni dating Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza na dapat mas mahigpit ang pananagutan sa paggamit ng confidential at intelligence funds, lalo na dahil nauuna nang naibibigay ang pera bago pa maisumite ang mga dokumento para sa liquidation.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Mendoza ang katangian ng iba’t ibang uri ng audit ng COA at ang usapin ng pananagutan kaugnay ng ₱73-milyong disallowed funds na kinasasangkutan ng Office of the Vice President.

Ayon kay Mendoza, hindi lahat ng audit ng COA ay nakatuon sa pagsasampa ng kaso. May mga audit na layuning mapabuti ang internal controls at operasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, habang ang mga usapin ng posibleng pandaraya ay maaaring sumailalim sa fraud audit.

“So iba-iba ho ‘yung types of audit at saka siyempre, nag-eevolve po ‘yung ano, dahil napakadami ng functions, napakaselan ng tungkulin, pero kokonti ang tao.” Bahagi ng pahayag ni Mendoza.

Nilinaw rin niyang hindi COA ang nagsasampa ng kaso, kundi ang Office of the Ombudsman, bagama’t maaaring magrekomenda ang COA ng pagsasampa ng kaukulang kaso batay sa kanilang audit findings.

Partikular na binigyang-diin ni Mendoza ang kakaibang katangian ng confidential funds kumpara sa regular na pondo ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ng dating opisyal na sa regular na pondo, karaniwang kailangang may resibo, invoice o kontrata bago maisagawa ang pagbabayad, ngunit sa pagdating sa confidential funds nauunang ibinibigay ang cash advance, kaya mas mabigat ang kinakailangang pananagutan sa paggamit nito.

“Binigyan ka na ng pera bago ka pa hingan ng resibo dito, ‘di po ba, ‘Yun po ‘yung approach ng confidential. So natural naman po na magbigay ng resibo at maipaliwanag. Ngayon, tatapatin ko po kayo na sabihin na hindi lang ito issue ng pagsu-submit lang ng resibo, ano. Ay, ang tagal na ho ng panahon na bigyan sila ng pagkakataong gawin ‘yan, ay hindi nga ho nagawa.” Dagdag pa ni Mendoza.

Kinuwestiyon din ni Mendoza ang paggamit ng confidential funds para sa mga gastusing hindi malinaw ang kaugnayan sa aktuwal na confidential activities kung saan bagama’t maaari aniyang kabilang sa pinapayagang paggamit ang purchase of information, kailangan pa ring maipakita ang malinaw na koneksyon nito sa mandato at layunin ng confidential activities.

Binigyang-diin ni Mendoza na ang Joint Circular 2015-01 ay naglalagay ng mga panuntunan sa paggamit ng confidential at intelligence funds at nagsisilbing bahagi ng internal control upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo ng bayan.

“Ang nature ng confidential and intelligence funds is so ano, na para bang ang tawag natin ay dapat mabigat ang hinihingi nating pananagutan dahil pinauna mo na ‘yung pera eh,” Ayon kay Mendoza.

Sa usapin naman ng paglilipat ng cash advance sa ibang tao, sinabi ni Mendoza na malinaw ang mga patakaran na hindi basta maaaring ilipat ang pananagutan sa paggamit ng confidential funds.

“Hindi naman po pwedeng too flexible to the extent na mag-sacrifice ’yung accountability.” Ani ni Mendoza.

Ayon kay Mendoza, mahalaga ang balanse sa pagitan ng flexibility na kinakailangan sa sensitibong operasyon at ng pananagutang dapat kaakibat ng paggamit ng pampublikong pondo.

Sa pananaw ng Simbahan, mahalaga ang ganitong pananagutan dahil ang pampublikong pondo ay pera ng sambayanan at dapat gamitin nang may integridad, transparency at malasakit sa common good, kaya naman sadyang kinakailangan ang wastong pamamahala sa yaman ng bayan na bahagi ng moral na pananagutan ng bawat lingkod-bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 24,925 total reads

 24,925 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 69,240 total reads

 69,240 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 106,849 total reads

 106,849 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 213,728 total reads

 213,728 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 257,423 total reads

 257,423 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top