Mandato na protektahan ang bansa, tiniyak ng Philippine Navy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,675 total reads

Tiniyak ng Philippine Navy na magpapatuloy ang pagpapatupad ng mandato ng Armed Forces of the Philippines na protektahan ang teritoryo ng bansa, sa kabila ng anumang usapin sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng Ayungin Shoal.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ipinaliwanag ni Philippine Navy spokesperson for West Philippine Sea Affairs Rear Admiral Roy Trinidad na hindi kailangan ng anumang pahintulot ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa ibang bansa upang magsagawa ng patrol at iba pang operasyon sa sariling karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay Trinidad, walang kinalaman sa anumang kasunduan ang mandato ng AFP na tiyakin ang seguridad at protektahan and soberenya ng bansa.

“Hindi po natin kailangan ng kahit anumang usapin for us to be able to perform our mandate of securing and protecting our territory. So bahala sila kung mayroon silang usapan doon; we don’t care about that, wala po kaming kinalaman diyan. Sa amin is we just keep performing our mandate. Hindi po natin kailangang magpaalam sa kahit sinumang foreign power to be able to patrol our seas.” Bahagi ng pahayag ni Trinidad sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Trinidad na matagal nang ginagampanan ng AFP ang tungkuling protektahan ang teritoryo ng bansa, na nakabatay ito sa domestic at international law.

Binigyang-diin din ng opisyal na walang alam ang Philippine Navy sa anumang kasunduang maglilimita sa operasyon ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“Walang agreement that would restrict our performance of our mandate in securing and protecting Second Thomas Shoal, ng Ayungin Shoal.” Dagdag pa ni Trinidad.

Samantala, sinabi ni Trinidad na ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga tauhan ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ay nagpapakita ng mga hamong kinakaharap ng AFP sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Kabilang dito ang insidenteng may dalawang sundalong nasugatan, na ayon kay Trinidad ay resulta ng tinawag niyang “coercive and aggressive action” laban sa mga tauhang nagsasagawa ng kanilang tungkulin sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas.

Gayunman, tiniyak ni Trinidad na nananatiling propesyonal ang mga tauhan ng AFP at sinusunod ang rules of engagement upang maiwasang lumala ang anumang insidente.

“It’s because of the professionalism of the members of the AFP na may mga rules of engagement tayong sinusunod na how to handle situations like this para hindi mag-further escalate.” Ani Trinidad.

Samantala, ipinaubaya naman ni Trinidad sa Department of Foreign Affairs ang pagbibigay-linaw sa anumang kasunduan o usaping diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at China, habang iginiit na magpapatuloy ang AFP sa tungkuling protektahan ang soberanya at teritoryo ng bansa sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,174 total reads

 42,174 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,611 total reads

 38,611 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,198 total reads

 73,198 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,018 total reads

 175,018 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,580 total reads

 215,580 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,588 total reads

 234,588 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,175 total reads

 42,175 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top