Mananampalataya, inaanyayahan ng Papal Nuncio na panoorin ang “Just Javier” movie

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,421 total reads

Inaanyayahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mga mananampalataya na panoorin ang pelikulang ‘Just Javier’, na naglalahad ng natatanging kuwento ng espirituwal na pagbabago ng isang kabataang Kastila.

Tampok sa pelikula ang buhay ni Javier Sartorius Milans del Bosch, mula sa kilalang angkan sa Spain na naging matagumpay sa larangan ng sports at negosyo.
Sa ginanap na movie screening sa Greenbelt My Cinema sa Makati City nitong August 12, kung saan isa si Archbishop Brown sa mga dumalo, sinabi nitong malaki ang maitutulong ng kuwento ni Javier upang mapalalim ang pananampalataya at pagninilay ng mga manonood.

“I encourage each and every one of you, if possible, to come and see this wonderful movie. You will be spiritually uplifted and edified by the story of his life,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Hinangaan ng nuncio ang kuwento ng binata na tinalikuran ang marangyang buhay upang tahakin ang landas ng pananampalataya at paglilingkod.
“It tells the story of a young man from Spain who experienced an amazing spiritual conversion—he is kind of a modern St. Augustine,” ani Archbishop Brown.

Si Javier ay isang mahusay na atleta na naging kampeon sa larangan ng paddle tennis habang nag-aaral ng Business Administration sa Amerika.

Gayunpaman, sa kabila ng mga natatamong tagumpay, pribilehiyo, at magandang kinabukasan ay patuloy nitong hinahanap ang mas malalim na kahulugan ng buhay.

Sa pamamagitan ng kanyang karanasan sa Los Angeles, na pakikipagtagpo at pakikisalamuha sa mga dukha at palaboy sa lugar ay mas umigting ang kanyang pagnanais na maghanap nang malalim sa Diyos sa pamamagitan ng pagninilay at pagsusuri ng sarili.

Sa kanyang paghahanap sa kahulugan ng buhay ay dinala si Javier sa Cusco, Peru, kung saan naranasan niya ang buhay-misyonero sa paglilingkod sa mga batang inabandona at natuklasan ang halaga ng panalangin, paglilingkod sa kapwa, pamumuhay nang payak, at ganap na pagtitiwala sa Diyos.

Higit sa isang dokumentaryo o karaniwang biographical film, inilalahad ng Just Javier ang mga tanong tungkol sa tunay na layunin ng buhay, kaligayahan, sakripisyo at tapang na sundin ang bokasyong ipinagkakaloob ng Diyos.

Ang pelikula ay mula sa Bosco Films na nakabase sa Spain na kilala sa pagpapalabas ng mga pelikulang nagbibigay-inspirasyon at nakatuon sa mga pagpapahalaga para sa mga manonood sa pamamatnubay ng director na si Josepmaria Anglès at ginawa sa produksyon ng Adauge.

Mapapanood ang ‘Just Javier’ sa mga piling Ayala Malls Cinema sa bansa mula August 12 hanggang 18.

Narito ang talaan ng mga sinehan:

MAKATI CITY
– Greenbelt
– Glorietta
– Circuit

PASIG CITY
– Feliz

QUEZÓN CITY
– Trinoma
– U.P. Town Center (UPTC)

PARANAQUE CITY
– Manila Bay

TAGUIG
– Bonifacio High Street

CEBU
– Central Bloc

CAYAGÁN DE ORO
– Centrio

BACOLOD
– Capitol Central

TEASER:

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,218 total reads

 42,218 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,672 total reads

 38,672 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,258 total reads

 73,258 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 175,078 total reads

 175,078 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,640 total reads

 215,640 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,646 total reads

 234,646 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top