Pagpipilit na maisabatas ang death penalty, salungat sa diwa ng Pasko

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Pagsusulong ng kultura ng kamatayan ang pagsusulong ng Kongreso na ibalik ang death penalty sa bansa.

Inihayag ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan na kabalintunaan ng selebrasyon ng pasko ng mga katoliko ang pagpupumilit ng pamahalaan na maibalik ang parusang bitay.

Ayon sa Obispo, sa halip na ipinagdiriwang natin ang regalo ng buhay ay sisirain ito ng isang panukalang batas.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Cabantan na manindigan ang mga katoliko at isulong ang dignidad at sagradong buhay ng tao.

Iminungkahi naman ng Obispo sa pamahalaan na ipatupad ang tunay na katarungan at restorative justice na siyang magpapayabong sa pagtingin sa buhay ng tao.

“What a sad and contradictory celebration of Christmas when we celebrate the birth of Jesus, who is Life. Yesterday’s feast of the Immaculate Conception also manifests the gift of life from conception till its natural end. With the restoration of death penalty, we are really regressing as people. We are again promoting the culture of death while we should be celebrating the giftedness of life. We should uphold consistently the ethics of life, respect and develop it. This implies the justice system and focus on restorative justice,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Nauna ding iginiit ni CBCP Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People chairman Balanga bishop Ruperto Santos ang paninindigan ng Simbahan laban sa parusang kamatayan.

See: http://www.veritas846.ph/jesus-god-life-not-death/

Naninindigan din si CBCP Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Father Jerome Secillano (http://www.veritas846.ph/justice-system-ayusin-sa-halip-sa-ibalik-ang-death-penalty-ayon-sa-pari/) na dapat ayusin ng pamahalaan ang justice system sa Pilipinas sa halip na sayangin ang pera ng bayan sa pagsusulong ng death penalty.

Sa isang open letter, nagbabala si UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussien na lalabagin ng Pilipinas ang obligasyon nito sa ilalim ng International Human Rights Law sa muling pagpapatupad ng parusang kamatayan sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 23,904 total views

 23,904 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 34,909 total views

 34,909 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 42,714 total views

 42,714 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 59,356 total views

 59,356 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 75,152 total views

 75,152 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 37,981 total views

 37,981 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 37,991 total views

 37,991 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 37,994 total views

 37,994 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top