Sambayanang Filipino, maghanda sa pagdating ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total reads

Dapat nang maghanda ngayon pa lamang ang sambayanang Filipino para sa pagdating ng Panginoon kaugnay na rin ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.

Ayon kay Fr. Anton C.T. Pascual, pangulo ng Radyo Veritas, ito ay mahalagang panahon ng Diyos na kailangan magkaroon ng epekto sa buhay ng bawat mananampalataya at maging ng bansa.

“Tayo ay naghahanda sa pagdating ng Panginoon, lalo na sa Pilipinas sa susunod na limang taon na mag-culminate sa taong 2021, kung saan gugunitain natin ang 500 years of Christianity sa Pilipinas, ito ay important time of the Lord sana maging tunay na makabuluhan ang pananampalatayang Kristiyanismo at magkaroon ng epekto sa ating buhay at maging sa bansa,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Dahil dito, ayon kay Fr. Pascual, nakikiisa ang Radyo Veritas para mas paigtingin ang pananampalatayang Kristiyano sa mananampalataya na hamon sa atin ng Panginoon at pagpapalaganap ng pagliligtas ni Kristo sa sangkatauhan.

“Mahalaga na tayo ay makiisa sa pagsasabuhay ng pananampalataya ito ang hamon sa atin ng Panginoon sa Mateo 28 na lahat tayo ay sugo ng Mabuting Balita ng pag-ibig, ng katarungan ng kapayapaan, pagkakaisa ng mamamayan kaya’t bilang isang Simbahan sa Radyo Veritas mahalaga na tayo ay makiisa sa pagpapalaganap ng pagliligtas ni Kristo sa lahat ng tahanan lalo na sa mga apektado ng kahirapan at mga Krisis sa buhay,” dagdag pa ng pari.

Kaugnay nito, sinabi ni Fr. Pascual na upang ganap na magampanan ng himpilan ang pakikiisa nito sa Simbahang Katolika, kailangan ng suporta ng panalangin at donasyon mula sa ating mga kapanalig na magsisimula sa halagang P500 kada taon.

Gagamitin ang halaga para sa pagpapatayo ng mga antenna, istasyon at pagkuha ng mga bagong staff na mangangasiwa para sa pagpapalakas ng ating Bagong Ebanghelisasyon.

“Sa Radyo Veritas tayo ay magkakaroon ng pagpapalakas ng ating new evangelization at ang instrumento ay media, Church on air sa pamamagitan ng radyo ipalaganap sa buong Pilipinas, ang social media at ang tele-radyo na makilala ng tao na ang Diyos lumago ang relasyon natin at dito ay magkaroon ito ng ugnayan sa kanilang buhay at sa buong bansa. Kaya para matulungan tayo to finance our new evangelization hihingi tayo ng suporta sa ating mga kapanalig, ng panalangin at pledges at least P500 a year, puwede naman magbigay ng malaki if gusto nila, para matustusan ang ating new evangelization sa Pilipinas kailangan natin magtayo ng mga antenna, istasyon at kumuha ng mga staff na mangangasiwa sa ating evangelization,” pahayag pa ng pari.

Kahapon inilunsad ang soft launching ng Veritas 500 Telethon 2016 na “Give Me 5 for the next 5 years” na may temang dalhin si Hesus sa bawat tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 75,907 total reads

 75,907 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 154,202 total reads

 154,202 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 187,649 total reads

 187,649 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 222,946 total reads

 222,946 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 446,427 total reads

 446,427 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,348 total reads

 298,348 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,237 total reads

 409,237 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top