Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karaniwang Filipino, Saan ka Pupunta?

SHARE THE TRUTH

 279 total views

Kapanalig, dati rati, simple lamang ang mga phases o yugto ng buhay ng karaniwang Filipino. Noon, ang mga bata ay malayang nakakapaglaro sa lansangan, nakakapag-aral, at pag nakatapos ng pag-aaral, trabaho naman ang hahanapin. Dati rati, ang edukasyon ay sapat ng susi sa simple at maayos na pamumuhay sa kalaunan.

Ngunit sabay ng yugto ng ating buhay ay ang mga yugto naman ng global, rehiyonal at pangnasyonal na kasaysayan. Naranasan natin ang agricultural age, na naging industrial age, lalo na sa mga developed countries, at ngayon nasa information o digital age na tayo. Sa pagdaloy ng mga yugto itong, maraming mga Filipino ang naiwan sa agrikultura, ang iba, namamayagpag sa industriya, at marami rin ang bumabaybay sabay sabay ng buhay agrikultura, industriya at digital. At sa pagbaybay na ito, marami ang nawalan ng access sa mga pangunahing serbisyo gaya ng edukasyon.

Ang information age, na ating nararanasan ngayon, ay hindi nagbubura ng industriya at agrikultura, kapanalig. Ito ay nagbibigay ng panibagong aplikasyon sa ating nakagawiang gawain. Sa ganitong panahon, ang impormasyon ang prime commodity o pangunahing produkto. Maari payabungin ng impormasyon ang agrikultura at industriya sa pamamagitan ng research and development, mas mabilis na capacity building at information sharing, at modernisasyon. Kaya lamang, kapanalig, napakalawak pa ng digital divide sa ating bansa.

Ayon sa Department of Science and Technology, tinatayang 60% ng ating populasyon ay walang direktang access sa Internet. Mabuti na lamang, ang teknohiya ay praktikal. Ang dating mga nilalaman na programa ng mga computers ay kaya na ring malagay sa mga smartphones ngayon.

Kaya nga’t ang dating simpleng pangarap nating mag-aral, na naging inaccessible sa marami dahil sa iba ibang salik gaya ng pera, lokasyon, at karahasan, ay abot kamay na rin sana para sa marami dahil sa teknolohiya. May mga webinars, may mga online libraries, may mga unibersidad din na nagbibigay ng iba’t ibang kurso at programa online. Kaya lamang kapanalig, hanggang dito, tila dehado ang karaniwang Pilipino. Sa ganitong sitwasyon, saan na pupunta ang karaniwang Pilipino? Maiiwanan na lang ba siya ng bawat yugto ng ating kasaysayan?

Ayon sa United Nations anumang karapatan natin sa impormasyon offline ay gayun din online. Pantay pantay dapat tayo kahit saan, kahit kelan. Kapanalig, kung ang karaniwang Pilipino ay walang access sa mga serbisyo na magpapayabong ng kanyang buhay, parang kinahon na natin siya sa buhay maralita, walang kinabukasan, walang pupuntahan. Maging hamon sana sa atin ang mga kataga mula sa Sacramentum Caritatis, “Lahat tayo ay anak ng iisang Ama, ang ating Panginoon… Lahat ng biyaya at regalo ng sangkalikasan ay para sa ating lahat.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,799 total views

 34,799 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,929 total views

 45,929 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,290 total views

 71,290 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,667 total views

 81,667 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,518 total views

 102,518 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,255 total views

 6,255 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,800 total views

 34,800 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,930 total views

 45,930 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,291 total views

 71,291 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,668 total views

 81,668 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,519 total views

 102,519 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 94,818 total views

 94,818 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 113,842 total views

 113,842 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 96,516 total views

 96,516 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 129,134 total views

 129,134 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 126,150 total views

 126,150 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top