Pagrorosaryo mabisang panalangin laban sa mga pagpaslang-Rosary For Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Buhay pa rin sa mga Filipino ang pagtugon sa panawagan ng Mahal na Birhen na pagdarasal ng Rosaryo.

Ayon kay Vince Aranas, custodian ng Rosary for Life-tuloy tuloy ang kanilang kampanya na ipagpatuloy ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Fatima sa pagdarasal ng rosaryo para sa kabanalan ng buhay.

Giit ni Aranas, nawa bagama’t nairaos na ang sentenaryo ng Aparition of Fatima ay tuloy-tuloy pa rin ang pagdarasal lalut maraming krimen na laban sa buhay ang ating kinakaharap sa kasalukuyang panahon.

“Kahit sana tapos na 100 years, sana sundin pa rin natin ang message ng Fatima. Kasi that’s the best way of participating in the centenary if you do the message of Our Lady of Fatima. Kasi ngayon ang pinakamatinding problema natin sa kapayapaan minsan nanay mismo ang pumapatay sa sariling anak’ kaya wala tayong kapayapaan,” ayon kay Aranas sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Read:
Lakbay-Buhay mass laban sa death penalty

No to Death Penalty-Bishop Bastes

Kabilang na dito ayon kay Aranas ay ang aborsyon, extra judicial killing at iba pang uri ng pagpaslang.

“Matindi ngayong problema natin yung mga pumapatay ng tao. Hindi lamang aborsyon basta pag sinabi mong Rosary for Life, ipinagdarasal mo ang kabanalan ng buhay para mahinto yan. Aborsyon man o extra judicial way,” ayon kay Aranas.

Sa inilabas na datos noong 2012, lumalabas na may 600 libong kaso ng aborsyon sa bansa, kung saan 100 libo ang nadala sa pagamutan habang tatlo ang nasasawi kada araw dahil sa komplikasyon dulot ng pagpapalaglag.

Sa nakalipas na pagdiriwang ng Jubilee Year of Mercy ng simbahan, binigyan din ng kapangyarihan ng Santo Papa Francisco ang mga pari na magbigay ng absolusyon sa mga nagpapalaglag o aborsyon.

Binigyan diin din ng ng Santo Papa Francisco na anumang kasalanan ay dapat patawan ng parusa-subalit parusa na magbibigay daan sa panibagong pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 146,108 total reads

 146,108 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 207,797 total reads

 207,797 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 253,506 total reads

 253,506 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 354,774 total reads

 354,774 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 416,918 total reads

 416,918 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top