Anti-corruption agencies ng gobyerno, dapat bantayan ang mga proyekto kontra katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 421 total reads

Kinakailangang palakasin ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan para bantayan ang kaban ng bayan laban sa katiwalian.

Ito ang mungkahi ni Prof. Roland Simbulan, vice-chairman ng Center for People Empowerment and Governance (CENPEG) lalu na’t muling mangungutang ang bansa para sa mga isasagawang proyekto sa ilalim ng Dutertenomics.

Paliwanag ni Simbulan, maganda ang layunin ng Pangulong Rodrigo Dutere na paunlarin ang mga kanayunan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura na nakapaloob sa Dutertenomics.

Aniya, sakaling maisakatuparan ang proyekto ay makakatulong din ito para madecongest ang Metro Manila.

Mapapabilis din aniya ang komersyo at pagdadala ng produkto dahil sa mga itatayong paliparan, pantalan at tulay na mag-uugnay sa mga lugar.

Sinabi ni Simbulan, marami nang karanasan ang bansa sa magagandang proyekto subalit karamihan sa mga ito ay naantala at hindi naipapatupad ng maayos dahil sa katiwalian.

“Yung mga agencies COA, Ombudsman, dapat they have to strengthen so that we can prevent, avoid itong mga hindi magandang nagyari sa previous projects natin. the biggest the project are, the biggest possibility, you know there will be corruption the checks are not in place,” ayon kay Simbulan sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Kabilang na dito ayon kay Simbulan ang kontrobersya sa NBN-ZTE deal noong 2007 sa panahong ng administrasyong Arroyo na nagkakahalaga ng $329 B –at naisantabi dahil sa hindi dumaan sa bidding.

“Kasi sa experience nga natin sa mga infrastracture projects natin usually the higher the cost you have to pay for them eventually the more vulnerabler they are in corruption, maraming mga proseso na hindi sinusunod , maybe pinapaspasan yung proyekto. may mga tao na ika nga nakikinabang dito ang pinababayad ang taong bayan. we have a long list of projects, bigtime projects mula pa noong mga nakalipas na administrasyon,” dagdag pa ni Simbulan.
Sa isinagawang pag-aaral ng Global Financial Integrity noong 2014, umaabot sa P357 bilyong kada taon ang nawawalang pondo ng bayan dahil sa katiwalian-ang nasabing salapi ang sampung porsiyento na kabuuang budget ng bansa na maari sanang magamit sa mga programa at proyekto ng gobyerno.

Una na ring nanawagan ang Santo Papa Francisco sa panganib na dulot ng katiwalian na aniya’y pagkalimot sa pagkatao at patuloy na pagkagahaman sa kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,924 total reads

 49,924 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,594 total reads

 129,594 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,041 total reads

 163,041 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,339 total reads

 198,339 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,899 total reads

 422,899 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,220 total reads

 297,220 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,395 total reads

 408,395 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top