Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatatag ng kooperatiba sa bawat parokya, isasakatuparan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 691 total views

Itataas ng Caritas Manila ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap sa pamamagitan ng mga malawakang livelihood programs at pagtataguyod ng mga kooperatiba.

Ito ang tiniyak ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas 846 sa paggunita ng ‘World Day of the Poor’.

“Sa ating mga kapanalig, ang World day of the Poor for 2022 ay isang magandang pagkakataon na itinutulak ng ating simbahan lalo na ni Pope Francis upang tumaas ang ating kamalayan sa kalagayan ng mga mahihirap sa ating mundo, lalung-lalo na sa Pilipinas.”pahayag ni Fr.Pascual

Tinukoyng Pari ang tatlong suliranin na pangunahing kinakaharap ng lipunan higit ng mga mahihirap na nararapat tugunan ng Simbahan.

Ito ay suliranin sa kalusugan na dulot ng pandemya, kakulangan sa suplay ng pagkain at suplay ng enerhiya.

“Sa ating paghahanda magibibgay po tayong muli ng ayudang pagkain sa mga mahihirap lalung-lalu na sa Arkidiyosesis ng Maynila, pinaghahandaan din po natin ang malawakang pagtatayo ng livelihood programs tulad ng kooperatiba upang doon magkatulong-tulong ang mga kristiyano sa pamayanan, yung mga Basic Ecclesial Communities (BEC) natin sa mga parokya.” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas

Hinimok din ni Fr.Pascual ang bawat mamamayan na paigtingin ang pagtulong sa mga mahihirap.

Bukod sa Arkidiyosesis ng Maynila, una naring tiniyak ng Arkidiyosesis ng Lipa at Diyosesis ng Malolos ang mga paghahanda ng programa sa nalalapit na paggunita ng World day of the Poor.

Tema ng ika-anim na taon ng World Day of the Poor ang “For your sakes Christ became poor”.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 81,494 total views

 81,494 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 89,269 total views

 89,269 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 97,449 total views

 97,449 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 112,985 total views

 112,985 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 116,928 total views

 116,928 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Jerry Maya Figarola

MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

 3,254 total views

 3,254 total views Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

CBCP-ECMI, nanawagan ng kahinahunan sa mga OFW

 11,328 total views

 11,328 total views Nanawagan ng kahinahunan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa mga Overseas Filipino Workers

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Naranasang harassment, kinundena ng EILER

 12,818 total views

 12,818 total views Kinundena ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang “red tagging” sa kanilang grupo. Ikinatwiran ng EILER na ang kanilang organisasyon ay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top