400-YOC Jubilee Cross at official themesong, inilunsad ng Vicariate of Puerto Princesa at Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 851 total views

Patuloy ang mga gawain ng simbahang katolika sa Palawan para sa 400 Years of Christianity ng lalawigan na magtatapos sa susunod na taon.

Kabilang na rito ang pilgrimage ng 400-YOC Jubilee Cross sa mga simbahan sa Apostolic Vicariates of Taytay at Puerto Princesa.

Nagpalabas din ng panalangin para sa natatanging intensyon sa pagdiriwang upang higit na palaganapin ang biyaya ng kristiyanismo na tinanggap apat na sentenaryo ang nakalilipas.

Alinsunod sa temang ‘Amos ta ren! Demdemen. IceLebra. Ipadayon!’ hiling ng mananampalataya sa Panginoon ang ibayong paggabay ng Espiritu Santo upang maipagpatuloy ang misyon na dalhin ang Mabuting Balita sa bawat komunidad sa lalawigan.

Gayundin ang paggabay ng Mahal na Birheng Maria na mas higit mapahalagahan ang pananampalatayang ipinagkaloob at maibahagi sa susunod na henerasyon.

Inilunsad din ng dalawang bikaryato ang official themesong sa pagdiriwang na pinamagatang ‘Kristiyanismo sa Palawan’.

Binuksan ang year-long celebration ng 400 YOC sa Palawan noong August 28, 2022 sa St. Agustin Parish sa Cuyo Island ang lugar na unang inihasik ng mga dayuhang misyonero ang binhi ng kristiyanismo.
Magtatapos ito sa August 2023 na isasagawa ng dalawang araw para sa mga talakayan, katesismo at pagpapalalim ng pananampalataya na gaganapin sa Puerto Princesa Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 55,459 total views

 55,459 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 99,067 total views

 99,067 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 182,348 total views

 182,348 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 195,332 total views

 195,332 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top