50-porsiyento ng CADT, napabilang sa large scale mining at logging projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,043 total reads

Napag-alaman ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na aabot sa 49-porsyento o halos kalahati ng lahat ng Certificate of Ancestral Domain Titles (CADT) ang sangkot sa mga proyektong nakapipinsala sa kalikasan.

Batay sa inilabas na 2022 State of the Indigenous Peoples Address (SIPA) ng grupo, sakop ng pinangangambahang mga proyekto ang hindi bababa sa 1.25-milyong ektaryang lupain.

Ayon kay LRC executive director Atty. Mai Taqueban, nakapaloob o malapit sa mga rehistradong lupaing ninuno ang kalahati ng lahat ng inaprubahang large-scale mining contracts, gayundin ang 87-porsyento para naman sa large-scale logging projects.

Nakasaad din sa ulat na sa kabila ng malawak na lupain at teritoryo ng mga katutubo na nagkakahalaga ng P1-trilyon, tatlo sa apat na mga katutubo ang nananatili pa ring kabilang sa 40-porsyentong pinakamahirap na Pilipino.

“The exploitation and commoditization of nature is sadly an enduring framework to managing our natural resources. This is contrary to indigenous peoples’ conception of development. Not only has this marginalized them, it has also worsened their human rights situation, for many of them naturally oppose these projects.” pahayag ni Taqueban.
Iginiit naman ni Taqueban na ang higit na panawagan ng mga katutubo ay ang pagsuporta para sa kanilang sariling plano sa pag-unlad na kaakibat ng kanilang tinatamasang karapatan.

Higit na binigyang-pansin sa pag-uulat ng LRC ang mga pagsubok ng katutubong pamayanan laban sa extractive projects tulad ng pagmimina at quarrying.

Halimbawa nito ang operasyon ng OceanaGold copper-gold project sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya na nagdudulot ng suliranin sa mga katutubong pamayanan ng Tuwali dahil sa pagkaubos at polusyon sa tubig, maging ang epekto nito sa kanilang mga sakahan.

“Indigenous peoples have declared they will pursue an IP agenda under the new government. They called for a harmonization of the Indigenous Peoples’ Rights Act with natural resource and other laws affecting IPs. They also enjoined government to fast track the issuance of CADTs. Indigenous peoples’ enjoyment of their rights is premised on their right to land.” saad ni Taqueban.

Inilunsad ang SIPA 2022 kaugnay ng isasagawang United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 Summit ngayong buwan sa Egypt na layong hikayatin ang mga pinuno mula sa iba’t ibang bansa na suportahan ang mga layunin ng katutubo sa pagtugon sa krisis sa klima.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,918 total reads

 1,918 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 24,455 total reads

 24,455 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,016 total reads

 65,016 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 91,758 total reads

 91,758 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,023 total reads

 140,023 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,022 total reads

 161,022 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,913 total reads

 128,913 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top