Pagtingin sa mga dukha bilang kaibigan, susi sa pagbabagong-buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,244 total views

Hindi lamang pagbibigay ng materyal na tulong kundi ang pagkilala sa mga dukha bilang tunay na kaibigan ang nagiging daan upang mabago ang buhay ng kapwa at mapalalim ang pananampalataya.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Artemio “Jun” Manuben, OFS, kasapi ng Secular Franciscan Order at full-time catechist ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM), sa ikatlong bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Si Bro. Manuben ay kabilang sa Franciscan Catechists na nagsasagawa ng katesismo at paglilingkod sa mga maralitang komunidad, kabilang ang mga batang nangangailangan ng gabay at pag-aaruga sa mga lugar sa Maynila.

Ayon sa lay Franciscan, ang kanyang pagmamahal kay San Francisco de Asis ang nagtulak sa kanya upang higit na yakapin ang misyon ng paglilingkod sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Hindi ko na lang sila tinuring na mga pulubi. Parang tinuring ko na rin silang mga kaibigan,” pagbabahagi ni Bro. Manuben.

Ikinuwento ni Bro. Manuben na nagsimula ang kanyang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa mga mahihirap nang makadaupang-palad niya ang isang pamilyang namumuhay sa Delpan, Sta. Ana na dumaranas ng matinding kahirapan at suliranin sa bisyo.

Sa halip na minsanang pagtulong, pinili niyang patuloy silang samahan hanggang sa magkaroon ang pamilya ng mas maayos na tirahan at pagkakataong makapagsimula muli.

“Ang tinuro nila sa akin, kung paano ko sila mahalin. Hindi lang mahalin, bigyan din sila ng pag-asa,” ani Bro. Manuben.

Ibinahagi rin ng lay Franciscan na unti-unting bumuti ang kalagayan ng pamilya matapos silang matulungan na magkaroon ng mas maayos na kapaligiran para sa kanilang pamumuhay, habang malaking bahagi naman ng kanyang kinikita bilang katekista ang inilaan niya sa kanilang pagkain, upa at iba pang pangangailangan.

“Halos 80 percent ng natatanggap kong sahod ang napupunta sa [pagtulong] sa mga mahihirap. Kaya sabi ko, ito pala ‘yung pagiging kaibigan—’yung pagbibigay ng pag-asa, pagbibigay ng pagmamahal sa kanila,” dagdag pa niya.

Binigyang-pugay naman ni Cardinal Tagle ang patotoo ni Bro. Manuben at sinabing ang pagbabago ng pagtingin sa mga dukha ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pamumuhay ni San Francisco de Asis.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang tunay na pakikipagkaibigan ay nagbubukas ng isang bagong pananaw sa pagbabahagi, kung saan ang pagbibigay ay hindi lamang nagmumula sa labis na mayroon ang isang tao, kundi sa pusong handang makibahagi sa buhay ng kapwa.

“Kapag kaibigan, pamilya, it’s not just the surplus that you give… Hindi ka nawawalan kasi pamilya ang pinagbigyan mo. It’s a different type of vision,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng talakayan, binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay may kakayahang baguhin hindi lamang ang buhay ng mga nasa laylayan kundi maging ang Simbahan at lipunan, sapagkat sa bawat taong tinatanggap bilang kaibigan ay higit na nahahayag ang presensya ni Kristo sa gitna ng sambayanan.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 13,196 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 14,208 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 31,139 total views

 31,139 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 104,783 total views

 104,783 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 136,065 total views

 136,065 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 168,081 total views

 168,081 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 318,983 total views

 318,983 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 41,721 total views

 41,721 total views Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top