Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtutulungan ng babae at lalaki, panawagan ng CBCP Office on Women

SHARE THE TRUTH

 8,695 total views

Hinimok ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Office on Women ang mga Pilipino na paigtingin ang pagtutulungan at pakikipag-kapwa tao upang sama-samang mapaunlad ang lipunan.

Ito ang mensahe ni Borongan Bishop Crispin Varquez – Chairman ng CBCP-Office on Women sa paggunita ng buong buwan ng Marso bilang ‘International Women’s Month’ at sa March 08 ng International Women’s Day.

Ayon sa Obispo, nawa ay maliwanagan ang bawat isa na walang sinuman ang nakakalamang sa kapwa kung kaya’t mapababae man o lalake ay mahalaga ang pagtutulungan sa lipunan upang matiyak na ang sama-samang pag-unlad.

“Both gender contribute progress to the society according their capacity thus it should be recognized. There no such second class gender,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio veritas ni Bishop Varquez.

Nagagalak din ang Obispo na sa paglipas ng panahon ay higit na pinapahalagahan sa mundo ang mga kababaihan higit na ang kanilang pakikiisa sa lipunan.
Partikular sa mga ito ay ang naging mas malayang pakikiisa ng mga kababaihan sa Saudi sa kanilang lipunan sa kabila ng kanilang Islam na paniniwala kung saan simula pa noong 1960s ay patuloy ang pag-unlad ng mga sektor kung saan kaisa ang mga kababaihan katulad ng pagtatrabaho.

“I am happy that there are countries now that change their outlook on women like Saudi Arabia. They allow their women to work and become liberal on how women dress. Men and women have unique roles in our society,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ngayong taon, itinalaga ng United Nations ang pagdaigdigan ng International Women’s Month sa temang “For ALL women and girls: Rights. Equality. Empowerment.”
Habang sa Pilipinas, ayon sa Philippine Commission on Women, ipagdiriwang naman ito sa temang ‘Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas,’ bilang pagkilala sa mga babae bilang mahalagang pundasyon ng lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 14,462 total views

 14,462 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 64,996 total views

 64,996 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 94,958 total views

 94,958 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 108,837 total views

 108,837 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 19,494 total views

 19,494 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Caritas Manila calls for donation

 18,563 total views

 18,563 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
1234567