Pagtutulungan, panawagan ng LASAC sa lahat ng DSAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,689 total views

Hinimok ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang mga Diocesan Social Action Centers na magtulungan at pagtingin ang paglaban sa malnutrisyon sa Pilipinas at lumalalang krisis ng education poverty sa mga kabataan.

Ito ang mensahe ni LASAC Executive Director Father Jayson Siapco bilang paghahanda ng kanilang Diocesan Social Action Commission (DSAC) sa nalalapit ng ika-siyam na pagdiriwang ng World Day of the Poor.

Ayon sa Pari, ang pagtugon sa dalawang suliranin ay tungkulin ng simbahan upang hubugin ang susunod na henerasyon at maging handa bilang mabuting mamamayan na sinusunod at kaisa ng simbahan sa anumang pagkakataon.

“Sa ating mga kasama sa paglilingkod sa social action network at sa aking mga kasamang direktor ng bawat diyosesis para sa social action centers nila, ang aking paanyaya, magandang tingnan natin sa pagkakataong ito ang usapin ng stunting, ito ay isang usapin na kailangan nating tingnan at magandang makita natin ito sa liwanag ng turo ng simbahan at kung paano tayo ay makakatugon sa kaniya-kaniya nating sitwasyon,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Siapco.

Nawa, panalangin ng Pari na sa tulong ng mga DSACs at pagtutulungan nila ay matulungan ang mga bata na makamit ang mga sapat na nutrisyon at mabawasan o tuluyang maiwaksi sa lipunan ang education poverty o pagkamang-mang sa mga batang mag-aaral.

Tiniyak din ni Father Siapco ang paghahanda ng LASAC sa nalalapit na ika-siyam na pagdiriwang ng World Day of the Poor kung saan sa Archdiocese of Lipa ay higit na paiigtingin ang palalawigin ang pagtugon sa dalawang suliranin para sa mga kabataan.

“Mayroong mga datos o research na pinalabas na, at ito ay pwedeng maibahagi sa atin, baka magandang makita natin sa ating mga sariling diyosesis, tayo ba ay gaano yung- percentage na effect nito sa atin at depende sa pagtaas ng porsyento ng effect, baka kailangan mas mataas din yung pagkilos natin para sa dito, ito ay isang paanyaya sa inyo mula sa inyong Social Action Network Representative at bilang kapatid ninyo sa paglilingkod sa larangan ng social action,” bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Siapco.

Sa nakalipas na linggo ay umapela sa pamahalaan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine na tugunan ang suliranin ng malnutrisyon at stunting na idinudulot nito sa mga bata o pagkabansot na hindi normal na paglaki matapos maranasan ang matinding gutom at kakulangan ng nutrisyon sa kanilang paglaki.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 152,417 total views

 152,417 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 174,527 total views

 174,527 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 247,522 total views

 247,522 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 239,318 total views

 239,318 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top