Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,415 total reads

20th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Jer 38:4-6.8-10 Heb 12:1-4 Lk 12:49-53

Si Jun ay isang engineer. May mataas siyang katungkulan sa gobyerno. Isang araw may lumapit sa kanya na isang opisyales din ng pamahalaan at may pinapapirmahan sa kanya na isang kontrata para sa government project na magkaroon ng tren na gagawin ng mga Intsik. Malaki ang project. Aabot ng ilang bilyong piso pero may anomalya sa project. Makakatanggap din siya ng malaking pera kung pipirma siya. Hindi ito maatim ng kanyang konsensya. Ayaw niyang pumirma. Nabuking ang project. Sa halip na maparusahan ang mga corrupt na opisyal, ginawan siya ng kaso at pinagbintangan. Siya ngayon ang nakulong.

Ito ay hindi gawa-gawang kwento. Marami tayong mga kwento na ganito. Ang nagsisikap na magpakabuti at sumunod sa kanilang budhi ang pinagbibintangan ng mga makapangyarihan. Bakit kaya?
Pero hindi lang ito nangyayari ngayon. Noon pa ganito rin ang nangyayari sa mga taong matuwid. Iyan ay naranasan ni propeta Jeremias. Siya ay nabuhay ng mga dalawang libo at limang daang taon nang nakaraan. Sinasalakay noon ang lunsod ng Jerusalem ng mga taga-Babilonia. Nasa loob ng lunsod si Jeremias at sinisigaw niya ang mensahe ng Diyos sa mga tao. Iyan naman ang gawain ng mga propeta. Sila ang tagapagsalita ng Salita ng Diyos. Sabi niya sa mga tao: “Sumuko na tayo. Huwag na nating labanan ang mga taga-Babilonia. Ang kanilang pagsalakay sa atin ay parusa sa ating paglabag sa mga utos ng Diyos sa atin. Sa halip ng lumaban, baguhin natin ang ating buhay. Sumunod na tayo sa Diyos.” Galit na galit kay Jeremias ang mga pinuno ng kanyang bayan. Traydor daw siya. Isinumbong nila siya sa hari; ang hari naman ay mahina. Hindi niya kayang pigilan ang mga pinuno ng bayan. Kaya hinuli si Jeremias ng mga leaders at itinapon sa isang balon na puno ng putik. Mabuti na lang at may nakakita sa kanyang kalagayan, si Ebed-Melec, at iniligtas siya.

Kawawa naman si Jeremias. Ginagawa lang niya ang pinasasabi ng Diyos at muntik na siyang mamatay ng gutom sa loob ng balon. Hindi ba ganyan din ang nangyari kay Jesus. Nagpapahayag lang naman siya ng mga Salita ng Diyos at tumutulong sa mga mahihirap at siya ay pinagbintangan ng mga leaders at tuluyang ipinapako sa Krus.

Pero alam ni Jesus ang mangyayari sa kanya. Bahagi ito ng kanyang misyon. Kaya nasabi niya na siya ay hindi naparito upang mabigay ng kapayapaan kundi ng pagkabaha-bahagi ng mga tao. Magdadala siya ng apoy, ang apoy ng katotohanan at ang apoy ng katuwiran. Ang gumagawa ng katiwalian ay lalabanan ang apoy na ito. Kokontrahin nila ang katotohanan.

Noong si Jesus ay sanggol pa lamang, dinala siya ni Maria at ni Jose sa templo. Sa gabay ng Espiritu Santo, nakilala siya ng matandang si Simeon na siya nga ang ilaw na tatanglaw sa buong mundo. Sinabi niya kay Maria: “ Tandaan mo, ang batang ito ay nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel. Siya ang magiging tanda mula sa Diyos ngunit tutugisin siya ng marami, kaya’t mahahayag ang kanilang pag-iisip.” Jesus will be a sign of contradiction and of division among many.

Sinabi na ito ni Jesus. Kokontrahin siya ng marami. Ganoon din ang mangyayari sa mga sumusunod sa kanya. Kaya nga sa simbahan mayroon tayong maraming mga martir. Sila ay pinatay dahil sa kanilang paninindigan para kay Jesus na siya ang katotohanan at buhay. Patuloy ang pagkokontra sa mga Kristiyano na sumusunod kay Jesus sa ating panahon. Ngayon, kapag nanawagan tayo na itigil na ang giyera sa Gaza at pagpapatay at paggugutom ng mga Palestinians, sinasabi na komokontra daw tayo sa mga Judio. Pero totoo naman, mga Hudyo ng Israel ang gumagawa nito. Kapag kinakampihan natin ang mga Molbog sa Bugsok island kasi inaagaw ang lupang ninuno nila ng San Miguel Corporation para magtayo ng resort, tayo daw ay nanggugulo at ayaw natin ng kaunlaran. Kapag nanawagan tayo na itigil na ang online gambling dahil sa maraming mga kabataan ay nalululong sa bisyo ng sugal, laban daw tayo sa karapatang pantao. Kung nanawagan tayo na ituloy ang impreachment ng bise-presidente para malaman kung saan dinala ang mga milyon-milyong pera ng gobyerno, namumulitika daw tayo. Kung ang pinag-uusapan ay katotohanan, katarungan, at katuwiran, may mga kokontra. Sisiraan tayo. Ayaw ng kadiliman ng liwanag, ayaw ng nang-aabuso na sila ay mabisto. Dahil sa paninindigan ni Jesus kaya siya ipinako sa krus. Pero huwag po nating ikahiya ang krus. Ito ang magdadala ng kaligtasan. Kung kasama natin si Jesus sa kahirapan, makikiisa din tayo sa kanya sa kanyang tagumpay at bagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 15,685 total reads

 15,685 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 53,703 total reads

 53,703 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 71,913 total reads

 71,913 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 156,242 total reads

 156,242 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 192,877 total reads

 192,877 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 30, 2026

 2,634 total reads

 2,634 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 8,538 total reads

 8,538 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 14,816 total reads

 14,816 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 23,145 total reads

 23,145 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »
Scroll to Top