Tularan ang halimbawa ni San Roque, panawagan ni Cebu Archbishop designate Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,371 total reads

Sa kapistahan ni San Roque, hinimok ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang mananampalataya na tularan ang halimbawa ng pintakasi laban sa salot sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa maysakit at naghihingalo.

Sinabi ng obispo na mahalaga ang pakikilakbay sa mga may karamdaman upang maipadama ang diwa ng pagkalinga at pakikiisa.

“St. Roque did not avoid plague-stricken cities—he entered them. His example calls for a presence ministry that offers comfort and hope simply by being there,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng Arsobispo ang limang aral mula sa buhay ng santo: habag na lumalapit sa nagdurusa, paglilingkod na hindi naghahanap ng papuri, pananampalatayang nagbibigay-lakas sa gitna ng sakit, pagkakita kay Kristo sa maysakit, at pagbibigay ng pag-asa ng buhay na walang hanggan.

“In a culture that often values service by the applause it gets, St. Roque teaches us to serve quietly, focusing on the dignity of the person rather than on public approval,” dagdag ng obispo.

Iginiit ng archbishop designate na ang ministeryo sa maysakit ay hindi lamang simpleng serbisyong panlipunan kundi higit na paglilingkod sa kapwa.

“Ministry to the sick is not simply a social service—it is a sacred encounter with Christ Himself,” aniya.

Sa kasalukuyang panahon na marami ang natatakot sa kamatayan, binigyang-diin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pagdadala ng pag-asa.

“In a time when many fear death, ministers can be bearers of the Christian hope that death is not the end but the doorway to eternal life,” paliwanag ng opisyal.

Umaasa ang obispo na isabuhay ng bawat isa ang mga halimbawa ng santo lalo sa sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na nababalot ng iba’t ibang uri ng salot.

“In a world where many feel abandoned in their sickness, St. Roque reminds us that presence, faith, and hope are the greatest gifts the Church can give,” ani arsobispo.

Si San Roque ay ipinanganak sa Pransya noong 1295 at inialay ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may karamdaman lalo na ang mga biktima ng salot.

Pumanaw ang santo taong 1327 at kinilalang patron ng mga maysakit at dinadapuan ng salot.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,552 total reads

 18,552 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 37,826 total reads

 37,826 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 77,510 total reads

 77,510 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 111,638 total reads

 111,638 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,043 total reads

 168,043 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top