27,329 total views
Nagpahayag ng agam-agam ang ilang obispo ng simbahan kaugnay na mungkahing pagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas, maging sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon).
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pinuno ng Caritas Philippines na ang pagbubukas ng Konstitusyon ay magbubukas din ng pintuan sa mga mapanganib na pagbabago sa mahahalagang probisyon, tulad ng political dynasty, regulasyon sa foreign ownership, at posibleng pagpapalawig ng termino ng mga halal na opisyal.
“We oppose this another attempt for charter change…especially at this time, where there are urgent matters involving economic and political instability. To go for Charter change is opening the whole constitution, and what would be in danger are the provisions on term extensions, political dynasty, foreign ownerships,etc,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Bagaforo.
Ayon pa sa obispo, hindi napapanahon ang pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) maging ito ay sa pamamagitan ng constitutional convention, lalo na kung ang dahilan ay ang usapin ng salitang “forthwith.”
“The issue on forthwith is very clear English… it can’t be a reason for chacha,” ayon sa obispo.
“Mas nakakabuti sana sila ay gumawa na ng enabling laws on political dynasty and sound economic policies to address poverty.”
Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin, kakulangan ng trabaho, at kawalan ng malinaw na direksiyon sa ilang polisiya ng pamahalaan, mas nararapat na ituon ang atensyon at pondo sa mga programang makakapagbigay ng direktang tulong sa mga mamamayan.
Sa panig naman ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, nanawagan siya sa mga mambabatas at mamamayan na maging mapagbantay at mapanalanginin sa gitna ng panukalang constitutional convention para sa Charter Change.
Binigyang-diin ng Obispo na ang Saligang Batas ay hindi lamang isang legal na dokumento kundi isang kasunduan na sumasalamin sa pinagsasaluhang pagpapahalaga, mithiin, at pananagutan ng sambayanang Pilipino.
“The Constitution is not just a legal framework; it is a moral covenant that reflects who we are as a people and what we value as a nation under God,” ayon kay Bishop Santos.
Giit ng obispo na anumang pagbabago rito ay dapat nakabatay sa matibay na moral na pundasyon na nagtataguyod ng dignidad ng bawat tao at sumusunod sa mga prinsipyo ng katarungan, pagkakaisa, at paggalang sa buhay.
“The proposal to convene a constitutional convention, particularly to clarify ambiguous terms, raises important questions. Precision in language is indeed important in governance, especially when it affects the balance of power and the delivery of justice. However, any move to amend the Constitution must be approached with utmost discernment, transparency, and integrity. Any revision to our Constitution must be grounded in the moral foundation that upholds the dignity of every human person,” ayon pa sa obispo ng Antipolo.
Tinukoy ni Bishop Santos na ang tunay na reporma ay dapat maglingkod para sa kabutihang panlahat, lalo na sa kapakanan ng mahihirap, mga nasa laylayan, at mga walang boses sa lipunan.
“We must reject any effort that seeks to entrench power, protect vested interests, or manipulate the law for personal or political gain. The heart of constitutional deliberation must beat with compassion, justice, and a preferential love for the least among us. The process of change must be conducted in the light of truth,” ayon pa sa mensahe ng obispo.
Idinagdag pa niya na ang proseso ng pagbabago ay dapat isagawa nang may katapatan at ganap na transparency. GAyundin ang masigasig na pakikibahagi ng publiko at ng Simbahan upang matiyak na ang anumang reporma ay tunay, makatarungan, at para sa ikabubuti ng lahat.
Giit pa ni Bishop Santos, “We urge our lawmakers and fellow citizens to approach this proposal with vigilance and prayer. Let us discern whether this initiative truly serves the nation or merely the interests of a few.”
Hinikayat din ng obispo ang bawat isa na suriin kung ang panukala ay magdudulot ng higit na katarungan at pagkakaisa, o kung ito ay magbubunga ng pagkakahati at kawalan ng tiwala.






